Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malacañang: Nakikinig mga tao kay Robin Padilla

0 203

Ipinagtanggol ng Malacañang ang pagtatalaga sa aktor na si Robin Padila bilang Philippine Army communications panel chief.

“Hindi natin maitatanggi na ang media personalities like Robin Padilla… sila talaga ay kilala ng tao at pinapakinggan ng tao,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa virtual briefing nitong Lunes.

Reaksyon ito ng kalihim kasunod ng mga komento mula sa mga netizen na hindi umano qualified si Padilla para sa nasabing posisyon.

Kilalang tagasuporta ng Pangulong Rodrigo Duterte si Padilla.

“Pinapaubaya ko na `yan sa AFP [Armed Forces of the Philippines], dahil alam naman nila ang kanilang kailangan,” ayon naman kay Roque.

Una nang sinabi ni Philippine Army spokesperson Col. Ramon Zagala na si dating Army chief retired Lt. Gen. Macairog Alberto ang nag-nominate kay Padilla para maging communications panel chief. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.