Abante Tonite Interactive

Malacañang nalungkot sa sunog

259

Nagpaabot naman ng simpatiya ang Malacañang hinggil sa nasabing sunog.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ikinalungkot ng Palasyo ang insidente lalo na at malapit na ang Pasko kung saan isa ang Star City sa mga paboritong pasyalan ng mga pamilyang Pilipino tuwing holiday season.

“The Palace expresses its grief following the unfortunate news about the early Wednesday morning fire that hit the Star City compound, which damaged not only the amusement park but also the Manila Broadcasting Company (MBC), where DZRH and other FM stations are housed.

As we near Christmas, this is truly sad news knowing that Star City is a place where Filipino families visit to celebrate the Yuletide season,” ani Panelo.

Ipinarating rin ni Panelo sa mga miyembro ng media na naapektuhan ng sunog na kaisa sila sa nararamdaman ngayon ng mga ito dahil sa nangyaring trahedya.

“To our friends in the media who are affected, we wish to let them know that we are one with them in this tragic incident,” dagdag ni Panelo.

Nanawagan ang Malacañang sa mga ahensiya ng gobyerno na mag-abot ng anumang uri ng tulong sa mga naapektuhan ng sunog, partikular ang mga manggagawa ng Star City. (Aileen Taliping)