Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malacañang pabor sa online civil service exam

0 190

Nagoahayag ng suporta ang Malacañang sa plano ng Civil Service Commission (CSC) na gawing online ang civil service exam habang nahaharap pa sa pandemya ang bansa.

“Tingin ko kabahagi na `yan ng new normal. Hindi naman tayo puwede mag-antay ng bakuna at gamot bago tayo bumalik sa normal na buhay,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Huwebes.

Una nang inihayag ni CSC Commissioner Aileen Lizada na kanilang kinokonsider ang online civil service exam dahil patuloy pa ang pandemyang dulot ng COVID-19.

SM food to go Banner Ad

“Habang nandiyan ang teknolohiya, gamitin natin, lalung-lalo na napakadami nating hinahanap na mga manggagawa sa gobyerno at napakadami ring nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19,” sabi ni Roque.

Sa tanong naman hinggil sa internet connectivity na isa pa ring malaking problema sa bansa, sinabi ni Roque na kakalampagin ng pamahalaan ang mga telecom company para aksyonan ito.

“Kung kailangang kalampagin ang mga telecom companies, gagawin po natin `yan. Dahil tinanong naman ni Presidente, `Ano ba ang problema niyo?’ Kulang daw ang mga telecom tower. Ginawa ni Presidente, sinabihan lahat ng lokal na opisyales, ‘Pag hindi ninyo pinayagan tumayo `yan, lagot kayo sa akin’,” ayon pa kay Roque.

“So, wala nang dahilan ang mga telecom company kung hindi nila ma-improve ang ating telecom facilities at connectivity,” dagdag pa nito. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.