Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malacañang sa Rappler: Maghabol kayo sa korte

0 92

Dumistansiya ang Malacañang sa naging aksiyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) na ipasara ang online news site na Rappler.

Sinabi ni acting Presidential Spokesperson Martin Andanar na hayaan ang SEC na ipatupad ang kanilang mandato alinsunod sa umiiral na batas.

“Let the law take its course, and allow the Securities and Exchange Commission to perform its mandate,” ayon kay Andanar.

Maaari naman aniyang gumamit ng legal na remedyo ang Rappler para sagutin ang naging hakbang ng SEC na pagpapasara sa kanilang kompanya.

“Rappler may avail of remedies accorded to it by law,” dagdag ni Andanar.’

Binawi ng SEC ang Certificates of Incorporation ng Rappler Inc. at Rappler Holdings Corp. dahil nilabag umano ang foreign ownership restrictions sa mga kompanya ng mass media. Dahil dito, inutos ng SEC ang pagsasara ng operasyon ng Rappler.

Inihayag naman ni Maria Ressa, founder at chief executive officer ng Rappler, na aapela sila sa desisyon ng SEC. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.