Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malacañang saludo sa mga rescuer

0 216

Binigyang pagkilala ng Malacañang lahat ng frontliner na nasawi sa panahon ng kanilang search and rescue operation sa nagdaang kalamidad sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagpapasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang kagitingan at katapatan sa ibinigay na serbisyo sa bayan na nagresulta sa pagbuwis ng kanilang buhay.

“Kinikilala po natin ang lahat ng ating rescue and search frontliners. Nagpapasalamat po ang Pangulo at ang buong sambayanan sa kanilang kagitingan at sa kanilang katapatan na sa kanila ng pagsubok eh nandoon po sila, bonubuwis ang kanilang mga buhay,” ani Roque.

SM food to go Banner Ad

Kabilang sa mga nasawi ay isang tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nakuryente habang inililigtas ang mga na-trap na mamamayan sa matinding pagbaha sa Tuguegarao City, at apat na engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na natabunan ng landslide habang nagsasagawa ng clearing operation sa pinsala ng bagyong `Ulysses’.

Sinabi ni Roque na mayroong ibibigay na benepisyo sa pamilya ng mga nasawi subalit walang katapat na halaga aniya ang buhay ng mga ito.

“I’m sure they will be given benefits, but it’s not the amount of money, It’s the gratitude of a very thankful nation. Maraming salamat po, bayani po kayo,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.