Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malacañang tinabla nationwide biyahe ng provincial bus

0 70

Hindi pinagbigyan ng Malacañang ang kahilingan ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines na payagan na ang kanilang mga bus na makabiyahe sa kanilang mga dating ruta.

Kasunod ito ng pag-apruba ng Inter Agency Task Force na makabiyahe ang ilang pampasaherong bus mula sa Region 5, 8 at 11 subalit hindi sa lahat ng rehiyon.

“Kapag nagkaroon na tayo ng bakuna, tingin ko po ay maibabalik na natin sa 100% ang transportasyon,” sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Nag-iingat aniya ang gobyerno kaya hindi pinayagan ang sabay sabay na pagbiyahe ng mga pampasaherong bus sa lahat ng panig ng bansa. Bukod dito, sinabi ng kalihim na iba-iba ang ipinatutupad na protocol ng mga local government unit (LGU) na baka maging dahilan ng pagkaantala ng mga biyahe.

Umapela ang mga provincial operator dahil napakalaki na umano ang lugi ng mga ito sa kanilang negosyo at marami sa kanilang mga driver at konduktor ang nawalan ng hanapbuhay simula ipatigil ang biyahe ng mga pampasaherong bus sa mga lalawigan.

Sabi pa ni Roque, kailangan aniya magkaroon muna ng common protocol ang lahat ng LGU bago ibigay ang go signal sa pagbiyahe ng lahat ng mga provincial buses sa bansa.

“Nag-iingat lang tayo. Iba iba kasi nga iyong protocols ng iba’t ibang mga LGUs so hindi naman pupuwede na isang biyahe from Manila to Bicol dadaan ka ng iba’t ibang local government units ay iba iba iyong mga requirements,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.