Abante Tonite Interactive

Malacañang, tinamaan sa pagsipa ng inflation

By
11

Tinablan ang Palasyo ng Malacañang sa pagsipa ng inflation rate noong buwan ng Marso dahil sa walang puknat na taas-presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng pagkain, enerhiya at langis.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella na ang global oil production, ang patuloy na paghina ng piso kontra dolyar at ang maintenance shutdown ng Malampaya ay lubhang nakaapekto sa inflation rate.

“However, the March inflation rate forecast of 3.6% is on track to the 3.4% forecast of the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) for the full year,”ani Abella.

Tila nahimasmasan ang Duterte administration at sinabi ni Abella na kailangang tutukan ngayon ng gobyerno ang inflation upang hindi maapektuhan ang mga pangkaraniwang mamamayan na labis na kinukurot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Giit ni Malacañang, prayoridad ngayon ng Duterte administration na makamit ang inclusive growth at pantay-pantay na pag-asenso ng mamamayan.