Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malacañang walang alam sa `pressure vote’ vs ABS-CBN

0 401

Dumistansya ang Malacañang sa ulat na isa umano si Davao City Rep. Paolo `Pulong’ Duterte sa mga kumikilos sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para hindi makakuha ng boto sa mga kongresista ang ABS-CBN na pabor sa hinihiling nitong panibagong prangkisa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na bagamat miyembro ng Kamara ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, isa lamang ito sa mga boboto kung sakali para sa ABS-CBN franchise.

Mayroon aniyang mahigit 300 mambabatas ang Kamara kaya hintayin na lamang kung ano ang resulta ng botohan.

“Ang Mababang Kapulungan ay isang collegial body, nag-iisa lang si Congressman Pulong Duterte out of 300 plus congressmen and congreswoman,” ani Roque.

Batay sa ulat, nagsanib-puwersa umano si Duterte at ang Iglesia Ni Cristo (INC) para i-pressure diumano ang mga mambabatas upang tuluyan nang ipasara ang ABS-CBN at kapag hindi sumunod ay zero project ang katapat ng mga ito.

Sinabi ni Roque na wala silang alam sa umano’y pressure sa mga kongresista at isa lang ang malinaw aniya, Kongreso lang ang nag-aapruba para sa prangkisa sa broadcast industry.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.