Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malacañang walang kinalaman sa ‘Duterte Pa Rin Movement’

0 225

Walang kinalaman ang Malacañang sa inilunsad na “Duterte Pa Rin Movement” noong Marso 23 para isulong ang kandidatura ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa 2022 presidential elections.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos matukoy na ang secretary-general ng “Duterte Pa Rin Movement” ay dating opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na si Juniño “Bonito” Padilla.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na dating opisyal si Padilla at isa na itong pribadong indibiduwal kaya hindi dapat iugnay ang Malacañang dito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero sinabi ng kalihim na iginagalang nila ang paninindigan ng marami na gustong maging susunod na presidente ang panganay na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Wala pong kinalaman diyan, ang Malacañang, ,” ani Roque. (Aileen Taliping) bagama’t nirerespeto namin iyong paninindigan ng marami nating kababayan na dapat na maging susunod na Presidente si Mayor Sara Duterte.

Leave A Reply

Your email address will not be published.