Abante Tonite Interactive

Malagos chocolates ng Davao bibida sa ASEAN summit

36

Ipatitikim sa mga asawa ng Southeast Asian leaders ang ipinagmama­laking Malagos chocolates ng Davao City.

Umorder na umano ng ilang dosenang gift boxes na naglalaman ng siyam na dark chocolate bars, tablets na ginagawang chocolate drinks at handcrafted cups ang common law wife ni President Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña.

Ayon kay Rex Puentespina, chocolatier ng Malagos, na hindi mapapahiya ang First Family sa ipi­nagmamalaki at award winning nilang tsokolate.

Ang Malagos unsweetened chocolate drink at 65 percent dark chocolate bars ay nagkamit ng parangal sa London simula noong 2015.

Umaasa sila na sa sandaling matikman ng mga ASEAN spouses ang tsokolate ng Davao ay lalo pang tangkilikin sa buong mundo ang 38-anyos na Malagos chocolates.

Ang gift boxes ay ipamimigay bilang token sa pagtatapos ng summit sa Nobyembre 15.