Abante Tonite Interactive

MALAKAS PA SA KALABAW!

By
12

Malakas pa sa kalabaw. Ganito inilarawan ng isang gabinete ang lagay ng kalusugan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa gitna ng mga katanu­ngan hinggil sa tunay na kalusugan nito.

Siniguro ni Presidential Communication Office (PCO) chief Martin Andanar sa publiko na ang Pangulo ay nasa “tip-top condition” taliwas sa kumakalat na bali­tang madalas itong mahilo at sumama ang pakiramdam.

“In our country, we say, he is as strong as a carabao,” ani Andanar matapos sumalang sa isang interbyu sa CNBC Asia Street Signs sa Singapore ang Pangulo kahapon. ­Ayon pa kay Andanar, kayang-kayang tapusin ng Pangulo ang kanyang ­anim na taong termino.

Aniya pa, muling nakitaan ng kumpiyansa si Pangulong Duterte nang sumalang ito sa interview ng mga host ng show na sina Martin Soong at Oriel­ Morrison ng CNBC.

Si Pangulong Duter­te ay nasa state visit­ sa ­Singapore mula kahapon,­ Disyembre 15 at hanggang ngayong araw, ­Disyembre 16.

Ang mga matitinding­ bitaw umano ng mga pananalita ni Pangulong Duterte ay ginawa upang magtanim ng takot sa puso ng mga kriminal.

Bago nagtungo ng ­Singapore, dalawang araw (Disyembre 13 at 14) ang ginugol ni Pangulong Duterte sa Cambodia kung saan ay mainit itong tinanggap ng Royalty ng Cambodia na unang naging bahagi ng kanyang state visit.

Binigyang-diin pa ni PCO chief na ang mga nakagawian ni Pangulong Duterte noong ito pa ay mayor ng Davao City ay ipi­nagpapatuloy ng Pangulo.

Nauna rito, hiniling ni Senador Panfilo Lacson kay Pangulong Duterte na iladlad ang tunay na lagay ng kanyang kalusugan dahil sa malimit­ nitong pagpapahiwatig na baka hindi niya matapos ang kanyang termino.

Ayon kay Lacson, upang matigil ang pagdududa ng publiko sa lagay ng kalusugan ng Pa­ngulo, mas makabubu­ting ilabas ang medical record at medical bulletin ng Chief Executive.

“He should. He should because lumabas­ na ‘yan at nagpahiwatig siya. All the more the public should be informed. Ano ang state of health of the President? Kasi­ kung meron tala­gang sakit sabihin talaga kung ano ang ailment,” giit ng senador.

Kahit na may line of succession kung saan ang Vice President ang mauupo kapag namatay ang Pangulo, sinabi ni Lacson na hindi maganda ang ginagawang­ pagpaparamdam ni Pangulong Duterte na hindi niya matatapos ang kanyang termino sa 2022.

Sa ginawang pakiki­pagharap ni Pangulong Duterte sa Filipino community sa Cambodia, sinabi nitong matanda na siya at “not sure if I will still be around by the end of my term”.