Abante Tonite Interactive

Malakihang oil price hike ikakarga bukas

598

Muli na namang magtataas ang presyo ng produktong petrolyo bukas, Martes, Setyembre 4.

Ayon sa industry sources, maaaring umabot sa piso kada litro ang magi­ging dagdag sa presyo ng gasolina, diesel at kerosene.

Ito na ang sunod na linggong nagtaas ang presyo ng produktong petrolyo.

Noong Agosto 28, nagtaas ang mga kompanya ng langis ng P0.60 sa kada litro ng diesel, P 0.10 sa kada litro ng gasolina at P0.45 sa kada litro ng kerosene.