Abante Tonite Interactive

Malakihang raket ng mga doktor sa PhilHealth, hinubaran ng Kamara

By
2,290

Tumabo ng ilang bilyong­ piso ang mga doktor sa kanilang raket sa pamamagitan ng paghakot ng libo-libong senior citizen para umano ayusin ang diperensiya sa pani­ngin saka naningil sa Phi­lippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Kahit na ang mga lolo at lola na walang diperensiya sa paningin, isinailalim sa cataract surgery para lang makakubra ng malaking pera sa PhilHealth.

Marami umano ang nabulag o lalong lumabo ang paningin kahit wala namang diperensiya ang kanilang mata nang ­dalhin sa mga eye clinic sa bansa.

“Some doctors performed cataract surgery even on patients with no cataract, while some charged PhilHealth even without operating on anyone at all. In early July 2015, for example, 10 doctors claimed P500 million in total for PhilHealth, nine of them being eye doctors. For 2014, PhilHealth paid P2 billion for cataract claims alone which means performing about 125,000 cataract procedures. The question, my dear friends, is how much of this were really going to the centers? How much of this were ­legitimate?” wika ni ­Senior Ci­tizen Rep. Francisco Datol nang simulang imbestigahan ang isyung ito.

Sa pagdinig din ng House committee on good government and public accountability nitong Marso 5 ay pinagkalooban ng legislative immunity ang ophthalmologist na si Dr. Harold Gosiengfiao na siyang sole proprietor ng Pacific Eye Institute (PEI).