Abante Tonite Interactive

Malakihang tapyas presyo sa petrolyo bukas

213

Magpapatupad ng malakihang tapyas sa presyo ng nga produktong petrolyo ang kompanyang Seaoil bukas, araw ng Lunes.

Batay sa abiso ng Seaoil, magpapatupad sila ng P1.70 na bawas sa presyo ng diesel kada litro, P0.65 sentimos naman ang bawas sa kerosene at P0.90 ang bawas-singil sa gaosolina kada litro na epek­tibo ng alas-6:00 nang umaga.

Ayon sa industriya ng langis, ang paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo ay epekto umano ng paglalaw ng presyo nito sa pandaigtidang merkado.

Nauna nang nag-asunsyo kahapon ng bawas presyo ng kanilang mga produktong petroylo ang kumpanyang Phoenix Petroleum na nakahalintulad din ng ha­laga. (Armida Rico)