Abante Tonite Interactive

Malaking gulo ito! Inatake habang nasa rurok ng ligaya

2,269

Hi po sa inyong lahat. Meron lang akong kakaibang tsismis sa kapitbahay kong matanda na napakahilig sa sex.

Si Mang Mario, biyudo pero kahit sa edad na 65 ay wala pa ring kupas, sobrang takaw sa sex.

Malakas pa si Mang Mario, ‘di mo nga aakalaing 65.

Maalaga sa katawan kaya naman nakabingwit pa ng biyuda rin na si Merlie, 36, na nakilala niya sa pagdya-jogging sa Quezon City Circle.

Pretty ang dyowa ni Mang Mario at dahil wala ng kasama sa bahay, ibinahay na niya si Merlie na may isang anak na lalaki.

Ang kuwento raw ng kasambahay ni Mang Mario, si Inday, sobrang sweet daw noong amo niya, madalas daw sila sa kuwarto at naghaharutan. Mamaya-maya maririnig na lang daw niyang umuungol ‘yung babae.

Dahil mainit daw si Merlie, kinakantiyawan daw niya ang kanyang hubby na wala palang sinabi ang pototoy ni Mang Mario, at nag-suggest pa na gumamit ng viagra para lalo daw silang ganahan sa battle.

Eh ‘di bumili naman itong si Mang Mario. Meron siyan­g kapitbahay na nagtitinda ng viagra. Kuwento niya, effective daw ang viagra at talaga naman lumaban ng todo ang kanyang sandata.

Kahit nga raw 5 rounds ay nakakaya pa niya ‘di tulad ng dati ng isang round lang nanlalata na siya. Kaya na-shock si Merlie sa tibay ni Mario. Epektib daw ang viagra.

Pero sa sobrang pag-take ng Viagra, dumating ang hindi inaasahan. Inatake raw si Mang Mario, nag-collapse habang nakikipag-sex kay Merlie. Dinala niya sa ospital at nalamang nilang masama pala ang epekto noon sa kanya dahil meron pala siyang sakit sa puso.

Buti na lang nakaligtas pa si Mang Mario, naagapan. Ngayon diet muna siya sa sex at hindi na siya pinapagamit ng viagra dahil kung itutuloy eh baka matuluyan na siyang matigok.

Ito lang po ang tsismis ko. Salamat!
Erlinda of Project 2, Quezon City