Abante Tonite Interactive

Malaking rally sa ABS-CBN nakaabang

827

MILDRED A. BACUD: More than 2,000 employees,supporters and artists ang nagtipon-tipon sa rally kahapon para suportahan ang panawagan ng pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN network. Pinalibutan nila ang compound ng naturang network. Naroon ang ilan sa mga artista ng Dos sa pangunguna nina Coco Martin at Jericho Rosales. Kasama pa sina Yassi Pressman, Rowell Santiago, Jaime Fabregas, Angel Aquino, John Prats, Joel Torre, Angeline Quinto at marami pang iba.

Bahagi ng mensahe ni Coco: “Narito kami para ipakita na nagkakaisa kami hindi para maghanap ng gulo o maghamon sa kahit anong laban. Nandito kami para humingi ng tulong para ipanala­ngin na sana ay bigyang ng li­naw ng kalooban ng pag-isip ang Se­nate ang lahat na dapat magbigay ng prangkisa para sa ABS-CBN.”

Sa kanyang IG account ay nag-post pa siya ng larawan ng ABS-CBN. Ang kanyang caption ay “Hindi ka namin iiwan at pababayaan!!!”

Mga ka-Cuatros,ito na nga nag-step up na sa pagsuporta ang mga artista ng Dos.Hindi na lang sa kanilang social media account nila pinapahayag ang suporta sa istasyon, sumasama na sila sa rally. Hindi lamang daw ito ang huli ha, marami pang rallies ang magaganap. Nakaabang din ang malaki nilang rally. Mas makakahikayat na sila ng mga tao. Aminin natin iba ang hatak ng mga artista dahil sa dami ng mga fan at follower nila.

Mga Star Magic handler na pasaway magbago

ROMMEL PLACENTE: Sana lang sa pana­wagan ng ABS-CBN, sa mga artista nito at sa 11 thousand na mga empleyado ay maantig ang damdamin ng kongreso at mga senador para pumabor sila sa renewal ng franchise ng Kapamilya network.Isipin din sana nila ang mga mawawalan ng trabaho at ang serbisyong ibinibigay nito sa mga tao.

Isa na nga sa major problem ng bansa ang unemployment tapos makakadagdag pa sila. Pero sana, sa ibang hand­lers ng Star Magic na natatakot mawalan ng trabaho, maging maganda na sana ang treatment nila sa ilang mga client nila na kumukuha sa mga talent nila.

Bagama’t marami ring mababait , may mga hand­ler din na feelingera, matagal sumagot sa inquiries. Alaga na nga nila ang binibigyan ng raket pero ikaw pa ang tipong naghahabol. Magbago na sana ang mga pasa­way.

‘Yong iba kasi hindi marunong makisama, nagmamaldita. Halimbawa ay para sa isang benefit show lang tapos ang talent fee ay grabe, sobrang taas.

Hindi mapakiusapan na ibaba. Oo nga’t alam natin na mahal talaga ang TF ng mga artista especially mga sikat pero puwede namang tumawad, ‘di ba?

Meron pa ngang nakakarating sa amin na ‘yong ibang handler kapag kinukuha umano sa kanila ang alaga nila mismo for a provincial or corporarate show sinasabi nila na hindi avai­lable. Pero ang totoo ay available. Ang sinasabi na lang nila ang kunin ay ‘yong ibang alaga nila na mas paborito pala nila. How true?

Sabi nga ng Presidente at CEO ng ABS-CBN na si Mr. Carlo Katigbak iaayos na nila kung anuman ang mga maling nagawa nila. Coming from him na ‘yan huh?

So, aware siya na may mga mali ring nagagawa ang mga empleyado ng nasabing network. Sabagay sa halos lahat naman ng kompanya ay ganyan din ang nangyayari. Pero sana maging eye opener na ito sa kanila.

Anyway, isa ako sa maraming sumusuporta at nagdarasal na huwag magsara ang kompanyang minamahal at sinusuportahan namin. Sana ay manatili pa rin sila sa himpapawid, dahil kailangan pa sila ng sambayanang Pilipino. Hindi lang ang mga artista nila, lalong-lalo na ang maganda nilang serbisyo to the Filipino people.

Dungis sa Dos ayusin

RODEL FERNANDO: Ito na nga ang simula ng pagsuporta ng mga artista ng Dos para sa franchise renewal ng network. Sa ganitong pagkakataon ay dapat nilang patunayan ang kanilang katapatan at malasakit sa nagbibigay ng kabuhayan sa kanila.

Kaya lang mga ka-Cuatros napansin namin sa isinagawang rally na iilan lang sa mga Kapamilya stars ang sumuporta. Sa dami ng mga artista ng Dos ay dapat makiisa sila sa ganitong panawagan. Dapat magkaisa silang lahat.

Anyway, sana malagpasan ang problemang ito ng higanteng network. At kapag naayos na ang lahat ay sabay ayu­sin na rin ang iba pang bagay na nagbibi­gay ng dungis sa istasyon. Kabilang na rito ang ilang manggagawa na nagrereklamo sa working hours ng trabaho at sa mga masusungit na handler ng kanilang mga artista.

Jason Gainza yari sa Dutertads

RONA RONDA: Sabi ng ilang kaibigan sa press, hindi lang daw pasaway na handler ang magbago, pati na rin ang mayabang, arogante, plastikada at mababa ang tingin sa press na mga publicist (wala sa corporate PR na tunay na na mababait). Walang nararamdaman na pagpapahalaga sa kanya. Hindi na nga sumusunod sa standard rate may gana pa raw magpa-ban pag napikon at hindi nagustuhan ang write ups. Wish nga nila ito na lang ang mawala sa kompanya.

Anyway, sa panahon na ito talagang kinakailangan ng suporta ng mga artista. Si­yempre isa rin sila sa mga maaapektuhan sa oras na hindi mapagbigyan ang renewal ng prangkisa.

Pero ang nakakapukaw ng pansin ay ang mga artistang sumuporta kay Duterte pero maaapektuhan kapag nagkataon. May nagpabago kaya ng isip nila? Nagbago kaya ang ihip ng hangin at parang tahimik at playing safe ang iba na dating mai­ngay ang pagsuporta? Paano kung tuluyang mapasara ang ABS-CBN iba na rin kaya ang isisigaw nila at join na rin sila sa rally?

Ang binabanatan nga­yon ng mga Dutertard ay ang aktor na si Jason Gainza. Kilala itong supporter ng Pa­ngulo, subalit present siya sa rally ng Dos kahapon. Pinapakita nila ngayon ang larawan niya na nasa Malacañang at nasa rally. Mapapanindigan pa rin kaya ng mga artistang ito ang dating pagsuporta kay Digong ngayong kabuhayan na nila ang nanganganib?