Abante Tonite Interactive

Malalaking tipak ng bato gumulong sa highway

277

Gumuho ang malalaking tipak ng bato sanhi upang isara ang kalahati ng kalsada sa bahagi ng Ambuklao Road, Benguet kahapon nang madaling-araw.

Sa nangyaring pagguho, agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Benguet kasama ang opisyal ng barangay upang ayusin ito at magmando ng daloy ng trapiko.

Ayon sa DPWH, lilinisin ang nasabing kalsada hanggang sa madaanan ang sinarang kalahati na natabunan ng mga tipak ng bato galing sa bundok.

Sinabi naman ng Anbuklao Police Station na wala namang nasaktan sa nasabing insidente. (Allan Bergonia)