Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malambing sa dyowa ni utol, pintor binareta

0 384

MATINDING selos ang nagtulak sa 51-anyos na construction worker para hatawin ng bareta-de-kabra sa batok ang natutulog na kapatid sa mismong araw ng Pasko sa Taguig City.

Naisugod pa sa Taguig Pateros-District Hospital si Marvin Dela Cruz, 29, pintor subalit idineklarang dead-on-arrival. Nadakip naman ng mga opisyal ng barangay at pulis ang kuya niyang si Edwin Dela Cruz.

Ayon kay Taguig police chief P/Col. Celso Rodriguez, bago ang insidente ay nag-inuman muna ang suspek at biktima noong bisperas ng Pasko. Naungkat ng suspek ang pagiging malambing ng nakababatang kapatid sa kanyang kinakasama.

Tinanong pa umano ng suspek ang nakababatang kapatid kung may espesyal siyang pagtingin sa kinakasama na mariin nitong itinanggi at sinabi pa ang katagang “Ang pangit-pangit niyan bakit ko papatulan”.

Dakong alas-10 ng umaga, kinompronta naman ni Edwin ang ka-live in hinggil sa pagiging malapit sa kanyang kapatid na nauwi sa kanilang pagtatalo.

Sa gitna ng argumento, kinuha ng suspek ang bareta-de-kabre at umakyat sa ikatlong palapag ng kanilang tirahan kung saan natutulog ang kapatid at walang pag-aalinlanang hinataw ito sa batok. (Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.