Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malampaya tuloy operasyon kahit pinaiimbestigahan

0 27

Hiniling ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel sa Department of Energy (DOE) na tiyakin ang “seamless transfer” ng operasyon ng Malampaya sa kabila ng panawagan na imbestigahan ang pagbili ng Udenna Corp. sa 100 percent stake ng Shell Philippines Exploration B.V. (SPEX) sa halagang $460 milyon.

“We are counting on a smooth handover with zero disruption to Malampaya’s vital gas operations that supply up to 20 percent of the country’s electricity demand and provide the government a 60 percent share in net revenues,” ani Pimentel, vice-chairman ng House committee on good government and public accountability.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos itulak ng isa pang reeleksyunistang senador ang imbestigasyon sa pagkakabili ng Udenna subsidiary Malampaya Energy XP Pte Ltd sa operating stake ng Shell sa naturang offshore gas field.

Ayon kay Pimentel, hindi na siya nagugulat kung nag-iingay ang ilang senatorial candidates dahil nais lamang nilang malagay ang kanilang sarili sa “limelight.”

Epektibo Jan. 1, 2022, magiging Malampaya operator na ang Udenna matapos ibenta ng Shell ang kanilang shares sa offshore gas field sa halagang $460 milyon o higit P23 bilyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.