Abante Tonite Interactive

Malanding aktor gumagapang ang kamay sa mhin

1,057

Cristy Fermin

May mga pagkakataon na parang kaduda-duda na rin ang mga kuwentong pinalulutang ng mga lala-king parang plantsang hinihiram sandali nang may bayad.

Sila ang mga kalalakihang palaging nakahanda sa tawag ng kanilang booking agent, in short, ang kanilang Boogie Wonderland (read: bugaw).

May isang syolbam na panay-panay ang pagkukuwento tungkol sa isang male personality na diumano’y pinapunta ito sa bahay para makipagkuwentuhan.

Kuwento ng aming source, “Kinontak daw siya ng male personality, iniimbita niya sa house niya, marunong daw namang magmasahe ang la-laki kaya bukod sa kuwentuhan, e, magpapamasahe rin siya.

“Pagdating daw niya sa house ng male perso-nality, e, pinapasok siya agad ng maid sa bedroom ni sir, nandu’n na raw ang male personality, parang si Cleopatra na nakahilata sa kama.

“Natural, uminom muna sila ng makasaysa-yang wine na pampagana at pampalakas ng loob, pero habang umiinom kuno sila, e, gumagapang na ang mahiwagang kamay ng male personality!

“Talagang makyondi kuno ang lalaking personalidad, parang nananaginip lang daw ang mhin, dahil napapanood lang niya sa pelikula at sa TV ang kaharap niyang lalaki!

“At manghang-mangha siya, hindi raw siya makapaniwala na may itinatago palang kakyondian ang male personality na may pa-action-action pa sa mga eksenang napapanood niya!

“At may naganap na nga sa kanilang dalawa, kuwento ng mhin. Ang male perso-nality raw ang mas agresibo sa kama, para raw siyang kabayong nakawala sa kural kung magpasirku-sirko!

“Ang markang ibibigay ko sa mhin, sinungaling siya! Hindi totoo ang kuwento niya! Marespeto lang ang male personality, may breeding siya, pero hindi siya becki!

“Ang mga ginagawang ganu’n ng mga mhin na bumibiyahe sa happiness nang may bayad, e, pampataas lang ng presyo! Para lang kunin din ng ibang becki ang serbisyo nila!” inis na pagtatapos ng aming impormante.

Julia hindi type ang kasimplehan ni Joshua?

Wala pang kumpirmasyong nanggagaling mula kina Joshua Garcia at Julia Barretto tungkol sa kalat nang balitang hiwalay na sila. Tahimik pa ang magkabilang kampo.

Pero may mga nagsasabing nagkakatabangan na raw sila, si Julia ang naunang mas tinabangan, ayon sa mga istoryang umiikot ngayon.

Pero bakit nakakaladkad sa kuwento ng kanilang hiwalayan si Gerald Anderson? Bakit ang aktor na boyfriend ni Bea Alonzo ang sinasabing dahilan ng break-up nina Joshua at Julia?

Diumano, isang araw ay may nakakita kay Julia na lumalabas sa private room ni Gerald sa gym, nakarating daw ‘yun kay Joshua na natural lang na ikina-galit ng maga-ling umarteng young actor.

Nagkasama sa Japan sina Gerald at Julia, gumawa sila ng pelikula du’n, kaya puwedeng naging magkaibigan na sila muna nu’n. Puwedeng dumalaw lang si Julia sa gym kay Gerald, nagkumustahan lang sila, ‘yun ang nakita ng mga miron.

Minarkahan ng marami ang post ni Julia na ang gusto niyang lalaki ay matalino, masarap kausap at mahusay magdala ng conversation. May mga nagpalagay na patama ‘yun ni Julia kay Joshua, kaya ang sagot naman ng aktor, “I’m a listener, not a talker.”

Sayang naman kung totoong nauwi lang sa wala ang kanilang relasyon. Epektibo rin kasi ang kanilang pareha, bibihira ang ganu’n sa kanila na tinatanggap ng publiko ang mga ginagawa nilang proyekto, nakapanghihinayang ang kanilang tambalan.

Napakasimple lang kasi ni Joshua Garcia. Magalang ang young actor, kitang-kita sa kanyang ugali ang mga payo ng kanyang tiyuhing pari na nagpalaki sa kanya, hindi kaya type ni Julia Barretto ang ganu’ng kasimplehan?