Abante Tonite Interactive

Malas ang pogi

454

Julius Segovia

julius-segoviaIkaw ba ang inaawi­tan ng mga babae na makasayaw tuwing may party? Imbes na manligaw, ikaw ba ang sinusuyo nila para makuha ang iyong OO? Para bang sinisilihan at hindi mapaikot ang puwet ng mga babae sa’yo? Kung OO ang sagot mo, malamang ikaw ay guwapo.

Akala ng marami, ‘you’ve got it all’ kapag good-looking ka. Hindi pala. Posibleng suwer­te ka sa girls at sa iba pang bagay. Pero hindi sa iyong career at professional growth. Base ‘yan sa pag-aaral ng London Business School sa United Kingdom at University of Maryland sa Amerika.

Buti na lang pala na panget ako o kailangan kong magpasalamat dahil babae ang mga na­ging boss ko noon. Kidding aside, ‘threat’ o banta kung ituring ng mga lalaking boss ang mga empleyado nilang guwapo. Kaya madalas, hindi sila nabibigyan ng magandang oportunidad sa opisina. Worst case, natetengga lang sila sa isang posisyon.

Sa pag-aaral, binig­yan ang mga employer-­participant ng mga aplikante – pare-pareho ang qualifications at skills set na nasa resume nila. Ang tangi lang na pinagkaiba – ang litrato na naka-attach sa kani-kanilang biodata.
Lumabalas sa research, ‘when men hire other men, their decision is negatively affected­ by the attractiveness of the candidate and the type of job.’

Ibig sabihin, kung guwapo ka – hindi ka ilalagay sa posisyon na na­ngangailangan ng individual talent gaya ng sales at marketing. Maaaring i-hire ka pero sa trabaho na team performance ang mahalaga. Sa ganitong paraan, ang lalaking boss mo pa rin ang lalabas na bida.

Sabi pa sa pag-aaral,­ stagnant ang career ng mga guwapong emple­yado. Mailap ang promotion sa kanila dahil sa inggit ng kanilang lalaking boss.

Ayon kay Professor Sun Young Lee, ang lead researcher sa University of Maryland, para maiwasan ito – kaila­ngang mag-outsource ng hi­ring process ang mga kompanya sa mga recruitment company para maging balanse at patas ang pagpili sa mga potential applicant.

Ang sa akin lang, more than the physical appearance of the applicant – ugali ang dapat na pagtuunan ng pansin ng mga male boss. At the end of the day, that matters the most – ang taong may respeto at pagkalinga sa kompanya.