Abante Tonite Interactive

Malas na, sinuwerte pa

326

ALL-N

Halos wala nang pag-asa na magkampeon si John Gorsuch sa Millionaire Maker Event ng World Series of Poker (WSOP) matapos masapawan ang kanyang pocket jacks sa kaagahan ng final table.

Ang masaklap, napasubo lamang siya sa pot. Dapat sana ay J-3 ang kanyang hand pero dahil sa isang exposed card ay jacks ang napunta sa kanya. Sa halip na mag-fold ay napalaban tuloy siya ng malaki at kulang na sa dalawang blinds ang natira sa kanyang chips matapos matalo.

Abante Hiring – IT dep

Pero ang kamalasang iyon ang nagmitsa sa kanyang pag-arangkada. Itinulak ni Gorsuch ang natitira niyang chips kahit hindi pa niya nakikita ang kanyang baraha sa sumunod na deal at nagresulta ito sa panalo.

Sa sumunod na hand ay all-in ulit si Gorsuch sa hawak na 9s. May dalawang lumaban sa kaniya at siya ulit ang nanalo matapos makabuo ng set.

Nagtuloy-tuloy na ang buwenas ni Gorsuch hanggang sa heads up nila ni Kazuki Ikeuchi. Si Ikeuchi ang chip leader bago magsimula ang final table pero sa kanilang heads up play ay si Gorsuch na ang abante sa chip count.

Ito ang pinakamala­king panalo ni Gorsuch sa kanyang career na nagbigay sa kaniya ng $1,344,930 premyo at ng prestihiyosong WSOP bracelet.

Ayon mismo kay Gorsuch, 2013 pa nang huli siyang magkampeon sa isang torneo at iyon ay nangyari lamang sa isang maliit na event sa bar.

Ang kuwento ng tagumpay ni Gorsuch ay patunay na hindi tayo dapat sumuko kahit na dehado na tayo sa laban o kahit tila wala na ta­yong pag-asang manalo. Laban lang dapat.

Puwedeng isang suwerte lang ang kaila­ngan para matabunan ang sangkaterbang kamalasan.