Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malas o suwerte? Julius M. Segovia

0 342

Para sa mga Chinese, ‘Ghost Month’ ang Agosto. Base sa kanilang paniniwala at kultura, sa buwang ito nagbubukas ang pintuan ng impiyerno kaya nakakawala ang mga multo o masasamang espiritu kada 15th day ng ika-pitong lunar month. Ngayong taon, papatak ang ‘Ghost Month’ sa pagitan ng August 19 hanggang September 16.

Pinaniniwalaang gutom ang mga ghost kaya sila naghahasik ng kasamaan at kung minsa’y naghahanap pa ng mga mabibiktima. Kaya sa Chinese culture, naghahanda ng piging ang mga Tsino tuwing Ghost Day Festival na papatak ngayong taon sa September 2. Sa ganitong paraan, nabubusog daw nila ang mga nakawalang ghost.

Tuwing Agosto, pinaniniwalaang hindi raw magandang mag-open ng business. Bihira ang negosyanteng nagbubukas ng negosyo sa ganitong buwan.

Maikuwento ko lang, August 2018 dapat kami magbubukas ng gas retail business noon pero dahil nga ‘Ghost Month’, ipinagpaliban namin ito sa December 8. Bukod sa birthday ng Lola Conching ko ang petsang ‘yon, suwerte raw ang number 8.

Related Posts

Gayunman, hindi pa rin maganda ang naging pasok ng sumunod na taon sa aming negosyong gasolinahan sa may Sta. Rosa – Tagaytay Road sa Silang, Cavite. Naapektuhan kami ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal noong January. Makalipas lang ang mahigit isang buwan, isinailalim na sa lockdown ang Metro Manila at mga kalapit-probinsya dahil naman sa banta ng COVID-19.

Ang punto ko, hindi natin hawak ang kapalaran ng negosyo o anumang bagay. Kahit pa magsipag tayo nang husto kung biglang may kalamidad o extraordinary situation gaya ng paglaban natin ngayon sa COVID-19, tiyak na apektado ang inyong kabuhayan.

Hindi ‘yan maituturing na suwerte o malas. That’s beyond our control. Ang dapat gawin, mag-ipon ng pera habang kaya. Para kung may emergency, siguradong may madudukot ka sa bulsa.

Ang sa akin lang, pinaka-importante pa ring maging maagap. Ika nga, daig ng maagap ang masipag. Dapat lagi nating iniisip ang future. Tingnan mo ang mga langgam, panay ang impok ng pagkain para may reserba sila pagdating ng tag-ulan.

Ngayong nasa gitna tayo ng pandemya, marami ang nawalan ng trabaho at mapagkakakitaan. Kung nakapag-ipon lang sana tayo noong mga panahon na may buwanan tayong kita, kahit papaano’y maiibsan sana ang problema natin sa pera ngayon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.