Abante Tonite Interactive

Malasakit Center sa Valenzuela, binuksan ni Sen. Bong Go

0 197

Isa pang Malasakit Center ang binuksan nitong Biyernes ni Senator Bong Go sa V­alenzuela City.

Ang panibagong Malasakit Center ay ika-40th Center na sa buong bansa at panglabing-pito naman sa Luzon.

Ayon kay Sen. Bong Go, ang Malasakit Center ay isang one-stop shop para sa agarang ayuda sa pagpapagamot ng mga Pilipino, lalo na ng mga mahihirap na kadalasa’y ipinapa-sa Diyos na lamang ang karamdaman dahil walang pambayad sa ospital.

“Para po sa inyo ang center na ito dahil pera ng bayan ang ginagamit dito. Ibinabalik lang ng maayos ang ipinagkatiwala ninyo sa gobyerno”, sabi Sen. Go. .

Ang Malasakit Center ay isang one stop shop na matatagpuan ang mga helpdesk ng Philhealth, PCSO, PAGCOR, DOH, at DSWD na puwedeng lapitan ng sino man kapag kapos sa pambayad sa opistal at walang pambili ng gamot.

“Iminungkahi ko po sa Pangulo noong ako ay Special Assistant pa niya ang pagtatatag ng mga Malasakit Centers dahil nakita ko na napakala-king problema sa mga Pilipino kapag may miyembro ng pamilya na nagkakasakit at walang perang pampagamot o kapos sila sa budget”, ani, Sen. Go.

Batid ng n­aturang senador na libo-libo na ang natulungan ng Malasakit Centers si-mula ng itatag nila ito ni Pangulong Duterte noong 2017, kaya naman inihain niya ang Senate Bill 199 kamakailan para ma-ging batas na ang pagtatag ng Malasakit Centers at magpatuloy ito kahit wala na sa puwesto ang administrasyong Duterte.

Samantala, nakikiusap si Senador Bong Go sa lahat ng hospital sa bansa na maglagay ng Dengue Express Lane matapos lomobo ang bilang ng mga pasyente ng dengue ngayon at magdeklara ang Department of Health ng national epidemic ng naturang sakit.