Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malasakit sa menor de edad

0 111

Ang daming ganap nakaraang linggo na talaga namang nakakagimbal dahil nangyari ang mga ito kasabay ng pandemya.

Unang-una ay ang urung-sulong na pagdating ng bakuna kontra COVID.

Sinundan ito ng ratratan sa Quezon City ng mga operatiba ng PNP at PDEA na kapwa diumano tumutupad sa kanilang tungkulin para lipulin ang iligal na droga sa bansa.

Malalim ang kasong ito kaya abangan natin ang kalalabasan ng resulta ng imbestigasyon ng NBI na pinagkatiwalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na humawak sa kaso dahil ito lang ang alam niyang maglalabas ng patas na resulta.

Harinawa ay makamit ng mga biktima ang hustisya sa mas pinaigting na giyera ng gobyerno kontra iligal na droga.

***

Sa kabilang banda ay may ilan din namang naghahatid ng positive vibes.

Gaya ng mainit na issue sa ‘rescue’ sa Lumad Bagwit School sa Cebu City na naging kontrobersyal dahil sa diumano ay tila nauwi sa isang “raid” imbes na rescue.

Naging impresibo ang privilege speech ni Deputy Speaker at 1Pacman Party-list Rep. Mikee Romero na nung una ay hindi ko pinapansin ang issue na una nang binatikos ng Makabayan bloc sa Kamara.

Ngunit ng marinig ko si Cong. Romero, na-realize ko na may punto ito na dapat ay ma-spare ang mga menor de edad sa mga ganitong laban ng mga makakaliwa at pamahalaan. Ika nga ni Romero ay “spare the children.”

At naniniwala din ako na dapag nga masalba at mabigyan pag-asa ang mga menor de edad, at hindi ako naniniwala sa ilang kumalat na pahayag na ang pinaka mayamang mambabatas sa Kongreso ay nasa “kaliwa” o suporter ng terrorista o News People’s Army (NPA).

Si Romero nga pala ang main author ng Anti-Terror Law na nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte upang labanan ang terrorismo at hindi imposibleng nadamay lang siya sa inis ng iba.

Nilinaw ni Romero na tanging menor de edad lamang ang nais nito maisalba. At kasunod nito ay naging usap-usapan ang representante ng 1Pacman na kilala sa pagbibigay ng tulong lalo na sa mga batang may butas ang puso o Congenital Heart Disease (CHD).

Ang naging paksa naman ay ang pagsuporta ng ilang kapwa mambabatas na mapasama sa prayoridad ang mga atletang Pinoy na sasabay sa Tokyo Olympics.

Tama nga naman ito dahil kailangan natin bigyan ng proteksyon at pagpapahalaga ang magigiting na atleta sa kanilang pakay na bigyan ng karangalan ang bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.