Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malawakang blackout ganap sa Mindanao

0 91

ISANG total blackout ang nararanasan ngayon sa Northwestern Mindanao area kasunod ng pagkawala ng Agus 5-Aurora 138kV line na natitirang linya na nagseserbisyo sa Zamboanga Peninsula, Misamis Occidental, at ilang bahagi ng Lanao del Norte.

Apektado rin umano ang ilang lugar sa ZAMSURECO I, ZAMSURECO II, MOELCI I, MOELCI II, ZANECO, ZAMCELCO, and LANECO.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa kalatas ng National Grid Corporation, ang Balo-i-Aurora 138kV line, na siyang nagbibigay serbisyo sa Northwestern Mindanao area, ay muling nag-trip dahil sa pagpapabagsak sa isa nilang tower.

“With the tripping of the Agus 5-Aurora line, both lines serving the Northwestern Mindanao area are out,” sabi nito.

“NGCP is working to restore the said line as it continues investigation of the cause of the outage,” dagdag ng NGCP. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.