Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malawakang info drive sa COVID bakuna mahalaga- Robes

0 150

Nanawagan si San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) na magsagawa ng malawakang information campaign ukol sa magkakaibang brand ng Covid-19 vaccines.

Layon aniya nito na maibsan ang pangamba at mabawasan ang maraming katanungan kaugnay sa kaligtasan at bisa ng iba’t ibang bakuna na ipinagbibili sa iba’t-ibang bansa.

“There is too much information that our countrymen are getting confused and anxious about getting the vaccine. The government, particularly the IATF, should go on a massive information drive to give the real score on the vaccines and the vaccination program that soon will be rolled out when we have the vaccines,” ani Robes.

Bilang chairman ng House committee on people’s participation, kasama si Robes sa mga opisyal ng Department of Health (DOH) nang makipag-ugnayan sa mga international pharmaceutical company na nangunguna sa paggawa ng mga bakuna para mabilis na pangasiwaan ang pag-apruba sa gagamiting COVID-19 vaccines sa bansa.

Kinumpirma ni Robes na kahit ang mga taga-distrito nila ay nangangamba sa kaligtasan ng mga bakunang bibilhin ng pamahalaan.

“Initially they wanted to get the vaccine but with the many information from social media that many we know are not true, they are now having second thoughts. We should allay their fears through a massive information drive that will go all the way to the grassroots,” ayon pa kay Robes.

Kumpiyansa naman si Robes na hindi sasablay ang gobyerno sa pipiliing bakuna.

“I know that they have the best interest of the Filipino people at heart. It’s just that there is just a lot of disinformation. They should work to allay our fears and assure us that the vaccines that will be chosen are safe and efficient as well as cost-effective for us Filipinos,” diin pa ni Robes.

Leave A Reply

Your email address will not be published.