Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malaybalay police tinulad mga aktibista sa terorista

0 198

RP

Binatikos sa social media ang infographic na nilabas ng Malaybalay police na tila humirit na terorista ang mga aktibista.

Sa nilabas na poster ng pulisya sa Malaybalay, Bukidnon sa kanilang Facebook page at Viber group, makikita ang ilang raliyista mula sa iba’t ibang grupo tulad ng Altermidya, Kabataan, Gabriela, Bayan Muna at Kilusang Mayo Uno, na dinidikit sa mga aktibista.

Ayon sa post “Malalaman mong sila ay para sa Terorismo; Papatulan lahat ng isyu; Basta laban sa Gobyerno. No to rebellion. No to terrorism.”

Dahil dito’y kaagad na binura ang nasabing post sa Facebook ng Malaybalay police, at humingi rin ng paumanhin ang hepe na si Lt. Col. Jerry Tambis.

Gawa daw ng isa niyang tauhan ang nasabing infographic, na mula sa ibang social media account at in-edit lang ng kanyang tao.

Leave A Reply

Your email address will not be published.