Abante Tonite Interactive

Malaysian dinukot ng 3 Chinese sa utang

233

Tatlo na namang Chinese national ang inaresto ng mga tauhan ng Parañaque City Police matapos nilang bihagin at ikulong ang isang Malaysian national dahil umano sa kanyang utang, Martes ng gabi sa lungsod.

Agad na dinala sa Parañaque City Police ang mga suspek na sina Chang Yuan; Liu Shihui at Jiang Yong, pawang nasa hustong gulang.

Kinilala naman ang Malaysian na si Chua Sai Yee.

Nabatid na nakatanggap ng tawag sa telepono buhat sa isang concerned citizen ang mga pulis hinggil sa insidente.

Alas-9:30 ng gabi ay agad namang nagkasa ng rescue ope­ration ang mga pulis sa Crown Bay Tower sa Roxas Boulevard, Brgy. Baclaran.

Naabutan pa ang mga suspek sa lugar kung saan na-rescue naman ang ikinulong na biktima.

Ang ugat nang pagkakadakip sa mga suspek na
sinasabing may malaking halaga ng pera na utang ang biktima dahilan upang ireklamo at ikulong ito ng mga dayuhang suspek.

Sa ngayon ay nakakulong sa Parañaque City Police ang mga Tsino at sasampahan ng kaukulang kaso. (Armida Rico)