Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malaysian, Pinoy tigok sa buy-bust

0 133

Nasawi ang isang Malaysian national at ang kasama niyang Pinoy habang aabot sa isa at kala­hating kilo ng shabu ang umano’y nasamsam mula sa mga ito sa isinagawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG), kamakalawa sa Tawi-Tawi.

Sa ulat na nakarating kay PNP chief Gen. Guill­ermo Eleazar, napatay ng awtoridad sa isinaga­wang buy-bust operation ang mga suspek na sina Nadzmil Ladja, residente ng Barangay Sipangkot, Sitangkai, Tawi-Tawi, at Malaysian national na si Hari Man Bin Sabtula, ng Kuna, Sabah, Malaysia.

Ayon kay Eleazar, dakong alas-9:45 Sabado ng umaga nang magsagawa ng buy-bust ang PDEG kasama ang iba pang unit ng pulisya sa tabing-da­gat sakop ng Barangay Pahut, Bongao, Tawi-Tawi.

Sinubukan pang pasukuin ng awtoridad ang mga suspek subalit nanlaban umano at nakipag­barilan ang huli dahilan ng kamatayan ng mga ito.

Nakumpiska sa mga napatay na suspek ang sha­bu na may halagang P10.2 milyon, gayundin ang dalawang kalibre .45 na baril, at isang motorboat. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.