Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malditang aktres ‘pinatay’ sa serye

0 8,797

Hindi lang pinagpahinga kundi tuluyan nang pinatay ang papel ng ginagampanan ng isang kilalang babaeng personalidad sa isang serye. May tuldok na ang kanyang partisipasyon.

Sa simula pa lang ng lock-in taping ay nagpalutang na agad-agad ng kakaibang ugali ang female personality. As in kakaiba siya sa iba, naramdaman ‘yun agad ng kanyang mga kasamahang artista at ng produksiyon.

Kuwento ng isang source, “Magaling naman siyang umarte pero hindi naman ‘yun lang ang basehan para magtagal sa isang serye ang artista. Mas mahaba ang panahong wala sila sa harap ng mga camera.

“’Yung female personality na itey, sa start pa lang, kakaiba na ang ugali niya.may attitude siya. Ugali na mahirap pakibagayan,” simulang sultada ng aming impormante.

Palagi siyang naghahanap ng mali sa kanyang mga kasamahan, bihirang-bihira siyang pumuri, palaging pintas at pagpuna ang lumalabas sa kanyang bibig.

Patuloy ng aming source, “Napakadali namang magbigay ng compliment, lalo na kung deserving naman ang papurihan, di ba? Pero maramot siya sa ganu’n.

“Instead, pintas ang lumalabas sa bibig niya. Para siyang workshop facilitator na napakaraming pagpuna sa acting ng mga kasamahan niya. may pagka-insecure kasi siya, ayaw niyang may kumakabog sa kanya, lalo na ang mga baguhan lang,” dagdag na impormasyon pa ng aming source.

Matindi ang insekuridad ng female personality na ito sa isang hindi pa naman katagalang nag-aaristang babaeng personalidad na hindi lang basta beautiful kundi magaling ding umarte.

“Napapansin nga ng mga nasa location na parang tinototoo niya ang mga eksena nila ng pag-aaway nu’ng female personality. Sumosobra sa routine ng pisikalan ang ginagawa niya.

“Maganda ‘yun para sa kuwento ng serye, pero nakapananakit naman siya, hindi na lang kumikibo ang female personality na pinag-iinitan niya. Mabait ang girl, marunong makisama.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“May issue rin sa talent fee na hinihingi ng female personality, hindi ibinigay ng production ang malaking dagdag na gusto niya, kaya ayun, tigok na ang role niya, patay na siya sa kuwento.

“Nabulaga siya, pinatay na ang maldita niyang papel sa serye, dahil sa kamalditahan niya sa likod ng mga camera,” pagtatapos ng aming impormante.

Lani 2 buwan dusa sa mikrobyo

Matindi ang pinagdaanan ng mag-asawang Noli at Lani Misalucha dalawang buwan na ang nakararaan. Mas matindi pa raw sa COVID-19 ang mikrobyong nagpahirap sa kanila.

Matindi ang naging epekto nu’n kay Lani, binging-bingi ang kanan niyang tenga, hindi pa rin balanse ang kanyang katawan dahil sa madalas na pagkahilo.

Pero ang pinagdaanang hirap ni Lani Misalucha ay hindi namin nakita nang mapanood namin siya nu’ng nakaraang Linggo sa “All Out Sundays.”

Nakaupo lang siya, kinanta niya ang “Bridge Over Troubled Water” na pinasikat ng Simon & Garfunkel, binago niya ang areglo ng piyesa.

Parang balewala lang sa kanya ang pag-abot sa matataas na nota, parang hindi man lang siya nahihirapan, si Lani Misalucha lang ang makapagtatawid nu’n na parang hindi siya nanggaling sa pakikipaglaban sa iisa niyang buhay sa loob nang dalawang buwan.

Hindi binago ng pagkakasakit ang matining niyang boses, ang masarap na hagod ng kanyang atake maging sa pinakamatayog na tono, mabait ang Diyos kay Lani Misalucha.

Totoo ang kanyang sinabi, kung ang kanyang boses na pinagkakabuhayan niya ang mawawala ay ano pa ang saysay ng mabuhay para sa kanya, pero hindi ‘yun ipinagkait sa kanya ng kapalaran.

Leave A Reply

Your email address will not be published.