Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malditang young actress nganga

0 1,454

Akala siguro ng isang young actress ay wala nang katapusan ang mga biyayang dumarating sa kanya kaya nagbago na ang kanyang ugali. Ang dating tahimik lang na young female personality ay naging maangas.

Maraming nakakatrabaho niya ang nagsasabing lutang ang kanyang kamalditahan. May sariling mundo rin kuno ang young actress dahil sa pagganda ng kanyang career.

Kuwento ng isang source, “Matagal din kasi siyang naghintay. Mailap talaga sa kanya ang magagandang projects. Hanggang sa palagi lang siyang kasama ng bida, ganu’n lang ang roles na ginagampanan niya.

“Pero nakatiyempo siya ng tamang project para sa kanya, sunud-sunod ang mga naging projects niya na siya ang palaging bida. Napansin ng mga dati niyang nakakasama na ang laki-laki na ng ipinagbago niya,” unang kuwento ng aming impormante.

Maging ang mga dati niyang kaibigan ay nagkokomento na iba na ang tabas ng kanyang dila, maangas na siya, samantalang dati pala ay tatahi-tahimik lang ang young actress.

Dagdag ng aming source, “Wala siyang tumatagal na PA, palaging umaalis sa kanya, kasi nga, may kamalditahan ang hitad! Kahit sa set, kung tratuhin niya ang PA niya, e, astang-superstar na siya!

“Ang akala niya siguro, e, wala nang katapusan ang pagbibida niya. Paano na ngayon? Nakikipag-honeymoon pa lang siya sa popularity kuno niya, e, bigla nang nawala ‘yun!

“Paano na ang pangarap niyang magpatayo ng mansiyon, kasi nga raw, e, masyadong nasaktan ang girl sa nangyari sa kanya nu’ng magpunta siya sa house ng father niya, pero hindi siya pinapasok. Kaya ang pangarap niya, e, ang magkaroon din ng mansiyon!

“Isa siya ngayon sa mga nangangapa sa dilim, paano na ang kanyang career? Paano na rin ang kabuhayan showcase nila ng pamilya niya?

“Inuna niya kasi ang pagmaldita, kaya ayan, paano na? Ang ganda niya pa naman, para siyang buhay na doll!” pagtatapos ng aming impormante.

Kris konti ang natirang kaibigan

Malaking-malaki na ang ipinagbago ni Kris Aquino. Kung dati’y para siyang de-buton sa pagsagot sa mga tanong, ngayon ay ipinangako na niya sa kanyang sarili na kung wala rin namang kinalaman sa kanyang buhay ang tanong ay hindi na lang niya ‘yun sasagutin, para wala siyang masaktan.

Harinawang mapanindigan ni Kris ang kanyang pangako, kilalang-kilala kasi siya sa pagsasabi na hindi na niya gagawin ang isang bagay, pero palagi namang napapako ang kanyang pangako.

Sa mga panahong ito ay kilalang-kilala na rin ni Kris kung sinu-sino ang mga tunay niyang kaibigan. Nu’ng mawalan siya ng show ay siguradong numipis ang kanyang listahan, iilan na lang ang natira, at ang mga taong ‘yun ang iniingatan na niyang mawala ngayon.

Marami siyang natutuhan sa halos apat na taon niyang pagkawala sa gitna ng aksiyon, ang una ay ang pagtanggap sa kabiguan, mahirap tanggapin ‘yun ng isang sikat at mayamang tulad niya pero kinaya niyang tanggapin.

Sa halip na magmukmok sa isang sulok ay ginamit niya ang panahon sa pag-aasikaso sa kanyang mga anak, binawi niya ang mga panahong halos wala na siyang panahon kina Josh at Bimby, dahil sa dami ng kanyang trabaho.

At natutukan niya rin nang isandaang porsiyento ang kanyang kalusugan, maayos na ang kanyang katawan ngayon, kaya sa muli niyang pagsalang ay wala na siyang magiging problema.

Sabik na sabik na ang kanyang mga tagasuporta sa pagdating ng August 15, ang unang sultada ng kanyang Lovelife With Kris, sa TV5.

Ayon sa aming mga kaibigan ay matagal din nilang hinanap-hanap ang pagiging taklesa ni Kris Aquino. Siya lang daw ang mga karapatang gumawa ng ganu’n na hindi bagay sa ibang mga artista.

Leave A Reply

Your email address will not be published.