Abante Tonite Interactive

Malditong sports official

1,255

Muntik hambalusin ng golf club ng isang waiter ang mataas na opisyal ng organisasyon sa sports sa bansa matapos bastusin at hiyain ng huli ang una habang nagsisilbi sa isang kila­lang golf and country club sa Metro Manila.

Dahil may regulas­yon sa golf and country club, kinailangan ng waiter na alamin muna kung sino ang kakilala nito at siyang nagsama sa mataas na opisyal ng sports sa bansa upang mabigyan ng kaukulang asiste sa pasilidad.

Pero imbes na maa­yos na sagutin, biglang nagmaldito ang spors official na nagmama­yabang pa na marami siyang kaibigan sa nasabing golf course kahit kabago-bago pa lamang niyang miyembro.

Dahil ‘di pa regular na naglalaro sa nasabing pasilidad ay tinanong ng waiter kung sino ang contact ng opisyal sa loob. Pero bigla pa itong na­nigaw bago nagyabang at inaway pa ang waiter.

Tinanong ng opisyal ang waiter na “‘Di mo ba ako kilala?” At nang sabihin ng waiter na ‘di nga, kaya siya tinanong, lalo raw itong nagalit at lalong nagmaldito.

“Nagmaldito at nag­yayabang sa club eh kabago-bagong mi­yembro pa lang daw,” sabi ng nakakita sa insidente.

Bukod sa presidente ng isang national sport association, may hiwalay pang katungkulan sa isang organisasyon ang sports official. (Lito Oredo)