Abante Tonite Interactive

Maldives aakuin ang gastos sa nasawing Pinoy couple

By
240
Inanunsyo ni Foreign Affairs Assistant Secretary Elmer Cato na nagpahayag ang Ministry of Tourism ng Maldives ng kanilang intensyon para sagutin ang gastusin sa pagbalik ng bangkay ng mag-asawang Pinoy na nalunod at namatay sa Dhiffushi Island, Maldives.

 

Ayon pa sa opisyal, inaasahan na makakabalik sa bansa sa katapusan ng linggo ang mga labi ng mag-asawang sina Leomer at Erika Lagradilla.
Abante Hiring – IT dep

Nasa Sri Lanka ang mga labi ng dalawa para sa pag-embalsamo bago ito maiuwi.
Nagpunta sa Maldives ang mag-asawa para sa kanilang honeymoon ngunit sa kasamaang-palad ay nalunod noong Enero 13.