Abante Tonite Interactive

Male celeb na magaling gumaya ng boses, nakakulong

612

Kaya pala walang bagong video ang isang kilalang male personality na magaling manggaya ng boses ay dahil nakakulong ito ngayon sa isang sikat na piitan.

Kilala ito sa paggagaya ng boses ng mga sikat na pa­ngalan sa showbiz like FPJ, Dolphy, Babalu, Rey Langit, Mike Enriquez at Erap.

Mismong ang asawa at kaanak umano nito ang nagpakulong sa kanya.

Pero marami ang nagsasabi na mabait naman daw ito at magaling makisama.

Sino siya?
Naging DJ siya sa isang radio station. May commercials na rin ito noon,

laging host at performer sa mga corporate events. Sumali rin ito sa isang sikat na noontime show at isa ang kanyang video sa unang nakakuha ng one million views. (Timmy Basil)