Abante Tonite Interactive

Male celebrity hiwalay na sa dyowa

1,670

Kumpirmadong hiwalay na ang isang kilalang male personality (KMP) sa kanyang non-showbiz partner (NSP).

Isang malapit kay KMP ang nagbulong sa amin na totoong hiwalay na si KMP, pero tahimik lang ito at okey sila ni NSP para na rin sa kanilang mga anak.

Nang i-check namin ang social media account ni KMP, may post pa siya na magkakasama silang pamilya pero ‘yun ay dahil co-parenting nga sila ni NSP sa mga anak nila.

Maging si NSP ay may mga post pa rin, pero kapansin-pansing ang mga pic nila ni KMP ay laging kasama ang mga bata. Wala na ‘yung mga dating swit-switan pics nila bilang magdyowa.

May mga kakilala kami na hindi feel ang ugali ni NSP, so tiyak na matutuwa ang mga ito kapag nalamang break na ito at si KMP.

Hindi kasal si KMP kay NSP kahit dalawa na ang kanilang anak. Okey na rin dahil at least, walang masalimuot na usapin ngayong nagkanya-kanya na sila ng landas.

Nu’ng nakaraang holiday season ay solo flight si KMP sa kanyang bakasyon abroad. Binatang-binata ito sa kanyang mga post na mag-isa at panay ang rampa sa ibang bansa.

Kamakailan lang ay nakita namin sa isang showbiz party si KMP at mag-isa rin itong nag-e-enjoy. Kung gugustuhin niyang makahanap ng bagong dyowa ay kayang-kaya ni KMP dahil malakas pa rin ang appeal niya sa girls.

Kinasal noon si KMP sa isang female celebrity (FC) kung saan nagkaroon din siya ng anak.

Feeling namin ay matutuwa si FC kapag nalaman nitong nagwakas na ang relasyon ni KMP kay NSP.

PAK!!

Ruffa naloka sa anak ni Dennis

Nakakulong pa rin ang dating aktor na si Dennis da Silva, pero merong anak si Dennis na pinasok na rin ang showbiz.

Nag-audition sa “StarStruck” si Faith da Silva, pero hindi siya pinalad. Ngayon ay kasama siya sa cast ng “Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday”.

Never pang na-meet ng 19-anyos na si Faith ang kanyang ama. Naghiwalay ito at ang mommy niya when she was only 2 years old.

Hindi pa rin siya nakakadalaw sa kulungan, hinihintay pa raw niya ‘yung time na ready na talaga siya.

Aminado si Faith na may mga sama ng loob siya noon sa tatay niya, pero nag-heal na raw lahat ‘yon at tanggap na niya ang nangyari rito.

Meron palang younger brother si Faith na one year lang ang agwat sa kanya. Si Dennis din ang ama nito.

Nakakatuwa dahil nagkita si Faith at ang naging girlfriend noon ng fadir niya na si Ruffa Gutierrez.

Nalokah raw si Ruffa nang sabihin niyang anak siya ni Dennis. Nagpapiktyur daw ito with her at sinabing kamukha niya ang tatay niya.

Umaasa si Faith na makakalaya ang daddy niya at wish niya na ‘pag nag-meet sila ay sa labas na at hindi sa loob ng piitan.

Ang alam daw niya ay malaki ang pag-asa nito at malapit na itong makalabas. Mahigit 15 taon na si Dennis sa Pasig City Jail dahil sa multiple rape charges dito.