Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male news anchor galante sa beki

0 951

Mahal na mahal at nirerespeto ng kanyang production ang isang pamosong male news anchor. Huwag na huwag silang makakarinig ng pintas tungkol sa kanilang boss dahil siguradong mag-aapoy ang kanilang bibig sa pagtatanggol.

Maraming dahilan kung bakit mahal na mahal ng kanyang mga katrabaho ang matapang na radio-TV news anchor.

Kuwento ng aming source, “Hindi kasi siya maramot. Kung marami siyang tinutulungang mga kababayan natin, inuuna muna niyang tulungan ang mga nasasakupan niya.

“Kumbaga, naniniwala siya na charity begins at home. Una muna niyang tinitingnan ang mga pangangailangan ng mga staff niya. Kapag nalaman niyang problemado sa pera, hindi mo na siya kailangan pang sabihan.

“Matindi ang pang-amoy niya pagdating sa mga staff niya. Masarap talaga siyang maging boss dahil hindi siya maramot,” unang kuwento ng aming impormante.

Perfectionist siya. Hanggang magagawang maayos ng staff ang kanilang trabaho ay ‘yun ang gusto niyang mangyari. Ayaw niya sa mga pabayang staff.

Patuloy ng aming source, “Nagagalit siya kapag may napapabayaang trabaho ang staff niya. Kahit nga sa ere, e, naririnig siyang nagagalit! Wala siyang pinipiling panahon, ke nakaere man siya o hindi.

“Pero marunong siyang mag-sorry. Pagkatapos ng programa niya, kakausapin niya ang mga staff na nasabon niya. ‘Yun ang masarap na boss, marunong humingi ng sorry.

“At pagkatapos niyang gawin ‘yun, e, agad na niyang sasabihin, ‘O, umorder na kayo ng food na gusto n’yo, magpa-deliver na kayo.’ O, di ba naman?

“Kaya mahal na mahal siya ng staff niya, very supportive siya sa mga katrabaho niya, lalo na sa mga becki! Kapag may lakad ang mga hitad, e, may budget na agad sila galing sa boss nila!

“Walang magrereklamong staff niya, hindi siya isusumbong ng mga tao niya sa ibang news anchor, kasi nga, mabait siyang boss!” pagtatapos ng aming impormante.

Sharon walang pinipiling kalaban

Kahit gaano kahaba ang pisi ng pasensiya ng mga artista ay dumarating din sa kanila ang panahon ng paghulagpos ng emosyon. Tao lang din kasi sila. Nagkataon lang na nabubuhay sila sa harap ng mga camera.

Nagkataon lang na public figure sila. Pero may pagkakataong nakakalabit din ang kanilang damdamin, ‘yun ang dahilan kung bakit sila naglalabas ng saloobin, tulad ni Sharon Cuneta.

Masipag mag-post ngayon ang Megastar, ginagawa niyang diary ang mga social media account niya, nagsusumbong siya sa ating mga kababayan.

Kuwento ng isang malapit kay Sharon, “Minsan-minsan lang niyang ginagawa ang ganyan. Kapag sobrang naaapektuhan na siya. Sa tagal na niya bilang artista, e, natanggap na niya ang kanaturalan ng trabaho niya.

“Alam niyang it comes with the territory na pinasok niya. Public figure siya, alam niya ‘yun, kaya she can’t win them all. Pero kapag sobra na ang sakit, e, umaaray rin siya!

“Du’n na lumalabas ang pagiging giyerera niya. Lalo na kapag pamilya na niyang walang kalaban-laban ang sinasaktan, siguradong makakakita tayo ng bagong panganak na tigre kay Mega!” kuwento ng kaibigan ni Sharon.

At wala siyang pinipiling kalaban, parang titulo ng kanyang pelikula ang pinaiiral ni Mega, maging sino ka man. (30)

Leave A Reply

Your email address will not be published.