Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality ayaw magbawas ng milyones

0 240

Suko na ang isang pamosong male personality sa pakikilahok sa mundo ng pulitika. Kung dati’y masidhi ang kagustuhan niyang tumakbo sa darating na halalan ay biglang nagbago ang kanyang desisyon.

Kung popularidad ang magiging barometro sa pananalo ay siguradong lusot na sa karera ang male personality, walang duda ‘yun , pero bakit nga ba siya biglang nanglamig sa kanyang ambisyon?

Kuwento ng aming source, “Ang akala siguro niya, e, tatakbo lang siya, ganu’n lang! Ang akala siguro niya, e, ayos na ‘yun, wala na siyang gagastusin!

“Ang akala niya siguro, e, sapat nang puhunan ang kasikatan niya, pero du’n siya nagkamali,” unang kuwento ng aming impormante.

Sa pakikipagmiting sa mga taong umeengganyo sa kanyang pagtakbo ay biglang umurong na ang lalaking personalidad. Ayaw na niya. bakit?

Balik-reaksiyon ng aming source, “Nilatagan kasi siya ng mga kailangan niyang paghandaan. Malaking halaga ang kailangan niyang ilabas, mamumuhunan siya nang milyones!

“Alangan namang tumakbo siya nang wala man lang siyang gagastusin, ano ‘yun? So, nu’ng malaman niya kung magkano ang halagang kailangan niyang ilabas para maipanalo ang laban niya, biglang umurong na ang male personality!” napapailing na kuwento uli ng source.

Kilalang-kilala sa pagiging mahusay sa paghawak ng salapi ang pamosong male personality. Matipid siya, kuripot, sa madaling salita.

Sabi ng impormante, “Naku, kilalang-kialla siya ng mga kaibigan niya, ng mga katrabaho niya, pagdating sa pera, e, mahirap siyang kausapin! Puro papasok lang ang alam niya, hindi uso sa kanya ang palabas!

“E, nu’ng ilatag sa kanya kung magkano ang magagastos niya kapag tumuloy siya sa pagtakbo, nalokayda ang male personality! Ganu’n pala kalaki!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Saka hindi naman pagka-senador ang tatakbuhan niya, Party List, isusunod ang pangalan nu’n sa sikat niyang tatak sa seryeng pinagbibidahan niya!

“Ayun, umurong na siya sa laban, ayaw na niya! Milyones kasi ang mawawala sa kaban ng yaman niya na ayaw nga niyang mabawasan!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Shawie atat kay Gabby

Kararating pa lang ni Sharon Cuneta mula sa ilang buwan niyang pagbabakasyon sa Amerika ay sinalubong na siya agad ng mga pamba-bash na may kuneksiyon sa balitang tuloy na tuloy na ang reunion movie nila ni Gabby Concepcion.

Kaswal lang niyang nasabi ‘yun, ibinahagi lang niya sa publiko ang inpormasyong ipinarating sa kanya ng produksiyong magpo-produce ng pelikula, pero siya agad ang napuruhan ng mga bashers.

Binusog siya ng mga pasaring, ng mga komentong siya lang daw naman ang atat na atat na makasama sa pelikula ang ama ng kanyang anak, samantalang tahimik lang si Gabby tungkol sa kuwento.

Si Sharon pa ngayon na aktibo naman ang career ang pinagbibintangang magpapasaklolo ng popularidad kay Gabby. Pinalagan ‘yun ng mga Sharonians siyempre.

Ngayon pa nga ba naman pagbibintangang sabik na sabik si Sharon para sa tambalan nila ni Gabby, ngayong pinagpipistahan ang pinakahuli niyang pelikulang “Revirginized,” ang Megastar pa ba ang mangangailangan ng saklay sa kanyang career?’

Maraming nakapilang trabaho si Sharon, walang Gabby Concepcion sa mga proyektong ‘yun, kaya galit ang mga tagasuporta ng Megastar sa gustong palabasin ng mga namba-bash sa kanilang idolo.

Sabi ng isang loyalista ni Sharon, “Hindi niya na kailangan ang reunion movie nila ni Gabby, napatunayan na nang matagal ni Shawie na hindi niya kailangan si Gabby, uminom naman sana ng kape ang mga umuupak kay Mega para kabahan naman sila kahit paminsan-minsan!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.