Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality bading ang kasalo ng gf

0 133

Wala palang katahimikan ang relasyon ng isang male personality at ng isang babaeng may sunong na korona sa ulo. Kulang na kulang kasi sa tiwala ang babae sa kanyang boyfriend.

Ayon sa mga kaibigan ng female personality ay napakaraming kuwentong nakararating sa kanya tungkol sa mga milagrong pinaggagagawa ng lalaki. Pagkatapos ng isa ay meron na namang ibang istorya, may babae sa kuwento pero karamihan ay becki, ‘yon ang pinag-aawayan nila.

Kuwento ng aming source, “Wala talagang mangyayari sa relasyon nila habang may itinatagong milagro ang male personality sa girlfriend niya! Kapag hindi siya nagpakatotoo, talagang puro away ang mangyayari sa kanila!

“Masakit nga naman ‘yon! Instead na girl ang kasalo niya sa boyfriend niya, e, puro bakla pala!” unang sultada ng aming source na nakairap pa.

Sa kasalukuyang panahon ay ang male personality na ito ang itinuturing ng kanyang mga kasamahan na kilabot ng mga becki. Kung may kilabot ng mga kolehiyala ay siya naman ang pinakamagaling na lalaki sa pagpapaamo sa mayayamang becki para niya karelasyunin.

Patuloy ng aming source, “Naku, si ____(pangalan ng male personality na produkto ng male contest) ang pinakamahusay ngayon! Kanya ang trono! Kinabog niya ang mga lalaking artista na dinatnan niya!

SM food to go Banner Ad

“Magaling kasi siyang magpaamo, teaser siya, du’n niya dinadaan ang becki para maka-close niya! At kapag close na sila, ‘yon na! Du’n na magsisimula ang mga operasyon niya! Simple lang siya, pero take note, rock na rock siyang kumilos!

“Magaling siyang maglambing. Idinadaan niya ‘yon sa kuwentuhan. Kunwari, ikukuwento niya sa becki na ang ganda-ganda ng bagong labas na big bike! Hindi niya ‘yon hihingin sa becki, pero sobra-sobra ang pagpuri niya sa motorsiklo!

“E, ano pa nga ba ang ibig sabihin nu’n, devah? So, ang ending, ibibili nga siya ng mamahaling motorsiklo ng bading! Nasunod na naman ang gusto niya!

“Kapag may nagkuwento nu’n sa girlfriend niya, e, siguradong mag-aaway na naman sila! Masyado kasing umaasa ang female personality na mahal na mahal siya ng boyfriend niya!

“Mahal na mahal pala siya, e, bakit nakikipagrelasyon sa becki? Paano na? Mahal siya, pero mas mahal ng male personality ang kadatungan at mga luho sa buhay, ganu’n ba?” natatawang pagtatapos ng aming source.

Leave A Reply

Your email address will not be published.