Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality dating dugyot

0 115

Sa isang umpukan ay pinagpistahan ang isang kilalang male personality na naging kontrobersiyal ilang araw pa lang ang nakararaan.

Maraming kuwento ang grupo tungkol sa lalaking personalidad, ang kanyang hygiene ang pinakapaksa, nakakaloka ang mga istorya.

Kuwento ng unang source, “Naku, mabuti naman at hindi na siya pinamamahayan ng sipon! Hindi na siya singhot nang singhot! Dati kasi, e, palagi siyang sipunin, nakapagtataka na ayaw siyang iwanan ng sipon niya!”

Ang isa pang impormante naman ay nagsabi, “At ang nakakaloka pa, e, wala siyang hanky or tissue! Kapag sumisinga siya, e, ipinupunas lang niya sa pantalon ang kamay niyang ginagamit sa pagsinga!

“Kaya ang kuwentuhan nu’n sa set, kapag kinamayan ka ni ____(pangalan ng male personality), e, huwag kang papayag na right hand niya ang gagamitin sa iyo!”

Maraming makapagpapatotoo na hindi gaanong malinis sa kanyang katawan ang male personality noon. Palagi siyang pinagpipistahan ng mga katrabaho niya.

Patuloy ng unang source, “Paano naman, e, wala siyang pakialam sa hygiene niya. Marumi ang mga kuko niya sa kamay at paa, palagi siyang sinisipon, saka parang bihira lang siyang maligo!

“Ang mga ngipin niya, e, naninilaw, pati ba naman ang pagtu-toothbrush, e, kinatatamaran pa niya? Sayang, ang ganda-ganda pa naman ng katawan niya, guwapo siya, pero marumi naman siya sa katawan!” madiing kuwento ng aming impormante.

Pero mula nang magkaroon na ng girlfriend ang male personality ay napansin ng kanyang mga kasamahang artista at katrabaho, palagi na siyang malinis, mukhang madalas na siyang maligo.

Sabi uli ng aming source, “Marunong mag-alaga ang girlfriend niya, matiyaga, kitang-kita ang ebidensiya na naaalagaan siyang mabuti. Malinis na ang mga kuko niya, maputi na ang teeth niya, saka hindi na siya masyadong sinisipon!

“Iba talaga kapag may nag-aalaga na, maayos ang hygiene ng lalaki, natututukan siya. Di ba, hindi na siya mukhang dugyot ngayon?” madiing pagtatapos ng aming source,

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isko ‘di kinakampanya ng kapwa artista

Hindi lang kumikibo si Mayor Isko Moreno pero siguradong nasasaktan siya dahil ang mga kasamahan niyang artista ay hindi pumapabor sa pagtakbo niya sa panguluhan.

Wala na tayong nararamdamang personalidad na isinisigaw ang kanyang pangalan, wala pang lumalantad sa pagkampanya sa kanya, sa halip ay ibang kandidato pa nga ang kanilang kinakampihan.

Masakit ‘yun para kay Mayor Isko. Sarili niyang mundong pinagmulan pero walang sumasang-ayon sa kanyang mataas na ambisyon.

Ang pinakahuling nagparamdam ng pagkuwestiyon sa kanyang kredibilidad para kumandidatong pangulo ay ang nirerespetong veteran actor na si Jaime Fabregas.

Matitindi ang mga salitang binitiwan ng beteranong aktor laban kay Mayor Isko, nag-ugat ang kanyang reaksiyon sa sinabi ni Yorme na mula nu’ng 1998 hanggang ngayon ay hindi pa nasangkot ang kanyang pangalan sa corruption, du’n pumapalag si Jaime Fabregas.

Teka lang muna, sabi ni Mr. Fabregas, puwede bang pakipaliwanag ng mayor ng Maynila ang isyu ng nawawalang mahigit na pitumpung milyong piso nu’ng 2014 na sangkot ang pangalan ng aktor-pulitiko?

At naglitanya na ng kanyang maaanghang na salita ang beteranong aktor, “Sa umpisa pa lang, e, sinabi ko nang mahirap pagkatiwalaan si Isko! Parehong-pareho sila ni Duterte, utak-mayor, hindi pangpresidente!

“Mag-isip-isip sana ang mga botante. Mag-aral sila, mag research, presidente ng Pilipinas ang iboboto natin. Isko, nakikiusap ako, umatras ka na sa laban!

“Ang trabaho ng isang pangulo ay higit pa sa pagpipintura ng Lagusnilad at mag-ilaw ng park!” madiing-madiing panawagan ni Mr. Jaime Fabregas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.