Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality dehado sa mataas na posisyon

0 115

Nabulabog ang mundo ng mga taong nagmamahal sa isang pamosong male personality.

Nu’n pa napapabalitang papasok siya sa mundo ng pulitika pero walang anumang naririnig mula sa kanya.

Pero nu’ng isang gabi ay kumalat ang balita na totoong plano niyang kumandidato pero iba na ang takbo ng istorya. Mas mataas na posisyon na ang kanyang aasintahin.

Ang masakit nga lang ay hindi pabor ang mga nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya dahil kumbaga sa sabong ay dehadista ang kanyang makakahawak-kamay sa pagtakbo.

“Mahihirapan siya, krus ang papasanin niya, magbago pa sana ang isip niya habang maaga pa,” komento ng isang nagmamahal sa male personality.

Abangan na lang natin kung tuloy ang kanyang plano o biglang magbabago ang kanyang isip dahil ayon sa mas nakararami ay suicide ang kauuwian ng kanyang kapalaran sa pulitika.

Haaaayyyy!!!!

Buryong sa kawalan ng ginagawa.

Naunsiyami ang hilig ng isang kilalang male personality dahil sa pandemya. Mahigpit ang mga health protocols. Hindi tayo puwedeng lumabas na walang suot na facemask at face shield.

Paano na ang kinahihiligan niyang pag-iikot para lang mag-pictorial? Nakikita siya sa gilid ng kalye, sa mga palengke, sa kahit saan dahil sa kanyang paboritong hobby.

Kuwento ng aming source, “Kung kailan naman ang lalim-lalim na ng hilig niya sa photography, e, saka pa nagkapandemya! Paano na ang pag-iikot niya ngayon?

“Ang nakakaloka lang, e, hindi naman ibang tao ang kinukunan niya, ang sarili lang niya, kaya paano na? Inis na inis siya ngayon dahil hindi siya makalabas!

“Siguradong may sisita sa kanya, pagbabawalan siya, dahil delikado ang kauuwian ng kapi-pictorial niya! Kundi siya makikinig, e, malaki ang possibility na mahawa siya sa COVID-19!” unang kuwento ng aming impormante.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Walang masyadong trabaho ngayon ang male personality, ang pinagkakaabalahan lang niya ay ang photography, buryong na buryong na siya sa kawalan ng ginagawa.

“Saka tapos na rin ang panahon niya, he had his time sa isang network, pero lahat nga ng bagay at sitwasyon, e, may katapusan. Walang forever,” napapailing na pagtatapos ng aming source.

 

Toni dedma sa epal

Sa mga panahong ito ng pandemya, paggising mo pa lang ay siguradong sangdamakmak na ang mga nagkokomento sa social media, ang iba, ay may makabuluhang opinyon at karamihan ay makapang-bash lang.

Ibintang natin ang ganyang senaryo sa pandemya, buryong na kasi ang mga kababayan natin, sobra-sobra na ang kalungkutang nararamdaman nila dahil sa kawalan ng kanormalan ng ating buhay.

Isa si Toni Gonzaga sa mga naging target ng bashers dahil sa kanyang interview kay dating Senador Bongbong Marcos sa kanyang vlog. Propagandista raw ang singer-actress-vlogger. Malaki raw siguro ang ibinayad sa kanya ng grupo ni BBM sa nasabing panayam.

Tama ang sagot ni Toni, wala siyang dapat ipaliwanag, wala siyang dapat patunayan, dahil siya ang nakakakilala sa kanyang pagkatao, kilalang-kilala niya ang kanyang sarili.

Saka bakit kailangang kuwestiyunin si Toni sa kung sinumang gusto niyang interbyuhin sa kanyang vlog? Pag-aari niya ‘yun, siya ang nagdedesisyon sa gusto niyang makakuwentuhan niya sa vlog, hindi siya dapat magpasakop sa mga taong nakikialam sa kanyang disposisyon.

Bakit, ikinampanya ba niya si Bongbong sa kabuuan ng kanyang panayam? Itinutulak ba niya ang ating mga kababayan na suportahan si BBM sa darating na halalan?

At wala siyang itinatago. Ninong nila ni Direk Paul Soriano sa kasal si BBM. Kilala ring Marcos loyalist ang kanilang pamilya.

At ang pinakamahalaga ay kanya ang vlog. Kanya ang konsepto. Kanya ang oras. Siya ang dapat masunod.

Leave A Reply

Your email address will not be published.