Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality ‘di makahiwa ng hotdog

0 594

Lisensiyang matatawag ng mga artista ang pagiging burnout sa trabaho.

Lalo na ang mga sikat na sikat sa kanilang hanay, totoong-totoo ang salitang ‘yun, nabuburyong sila sa araw-araw na ikot ng kanilang buhay.

Walang sapat na tulog at pahinga. Walang pakikipagkaibigan dahil sa mula ulo hanggang paang bulto ng trabaho. Walang pribadong buhay.

Kuwento ng aming source, “’Yun ang madalas na nangyayari sa mga sikat na artista. Malakas nga silang kumita, pero grabe naman ang daily routine nila, talagang wala na halos silang pahinga.

“Du’n nagsisimula ang pagbibisyo nila. ‘Yun ang nagiging escape nila. Kundi alak, droga. Walang pinipiling gender ‘yun, lalaki at babaeng artista, dumadaan sa ganu’ng experience. Pero hindi naman lahat,” unang sabi ng aming impormante.

May isang male personality nu’n na dahil sa kakapusan ng tulog at pahinga ay umamot na lang ng lakas at awa sa bisyo.

Balik-chika ng aming source, “Wala siyang tulog at pahinga, puwes, ang pinili niyang tutukan, e, bisyong wala talagang tulugan ang gumagamit.

“Ang problema lang, kapag wasted na siya, hindi na rin siya napapakinabangan. Tulaley na lang siya, wasted nga, dahil bumaba na ang kanyang tama.

“Imagine, hindi na halos siya makakain sa set, hirap na hirap siyang kumilos. Hotdog nga, hindi niya na mahiwa, dahil sa sobrang pagka-wasted niya!” kuwento ng aming impormante.

May kilalang babaeng personalidad din na sumobra ang pagkaabala sa bisyo. Napakaganda ng takbo ng kanyang karera pero nagpabaya siya. Du’n nagsimula ang pagbagsak ng kanyang career.

Kuwento ng isang source na nakakatrabaho ng female personality, “Pinupuntahan pa siya ng isa naming staff sa bahay niya para lang kumilos na! Hindi siya sumasagot sa mga tawag ng production, deadma lang siya!

“So, may naka-assign talagang staff tuwing may trabaho siya. ‘Yun ang nagbabangon sa kanya, inaalalayan siya, para dumating lang siya sa location.

“Pero dahil sa unprofessionalism, wala nang ibinibigay na trabaho sa kanya ang network, bakit pa nga naman nila kukunin ang female personality na palaging nagiging cause of delay sa serye nila?

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ayun, hanggang sa tumamlay na ang career niya, wala na halos kumukuha sa serbisyo niya, akala kasi niya, life is always a bed of roses,” napapailing na lang na pagtatapos ng aming source.

-o0o-

Rico matulis

Komento ng kaibigan naming propesor, “Matulis talaga si Rico Blanco! Halos anak na lang niya si Maris Racal, naging sila pa!”

Oo nga naman. Kung edad ang magiging barometro ay napakalayo ng agwat ng kanilang edad. Pero sabi nga ni Maris, “Age is just a number,” na totoo naman.

May tinawagan kaming kaibigang musikero na nakakakilala nang husto kay Rico Blanco na minsan ding kinakiligan at dinambana ng paghanga ng mga kolehiyala bilang bokalista ng Rivermaya.

Kung matatandaan ay naging magkarelasyon din sila ni KC Concepcion, naghiwalay sila naang maayos, naging magkaibigan pa nga sila pagkatapos.

Kuwento ng aming kaibigan ay mabait kasi si Rico, marespeto sa babae, saka wala sa bokabularyo niya ang pagyayabang.

“Saka genius si Rico, magaling siya, ang yaman-yaman ng utak niya. Siya lang ang musikerong nakilala ko na hindi ipinagyayabang ang mga trabaho niya.

“Chill lang siya, wala siyang kaaway, walang kahit anong paninira kang maririnig tungkol sa kanya dahil nga marespeto siya sa kapwa niya.

“Masuwerte si Maris sa kanya. Magiging maayos ang relasyon nila. Rico Blanco respects every woman like God,” papuri ng aming kaibigang musikero.

Kitang-kita naman ang kaligayahan kina Rico at Maris. Nagniningning ang kanilang mga mata, senyal ng dikta ng pag-ibig, at kung saan maligaya ang tao sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad ay wala na tayong magagawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.