Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality ‘di pabayang ama

0 612

Pagdating sa pagiging ama ay walang kahit sinong babaeng magrereklamo sa pagiging responsable ng isang pamosong male personality. Kung meron man ay sinungaling ang aangal sa kanyang pagiging tatay.

Responsable ang aktor, alam niya ang kanyang obligasyon, kung ano ang pinag-usapan nila ng ina ng bata ay tinutupad niya.

Kuwento ng aming source, “Walang maipipintas sa kanya bilang ama. Alam niya ang pinasok niya, alam niya ang mga obligasyong kailangan niyang tuparin.

“Walang babaeng magpo-post ng kung anu-ano laban sa kanya, lalabas lang na liar ang babae dahil sobrang responsible ang male personality,” pagdidiin ng aming impormante.

Kahit sa kanyang propesyon ay responsable at propesyonal ang lalaking personalidad. Hindi siya nagiging sakit ng ulo ng produksiyon, marespeto siya sa kanyang mga kapwa artista, lalo na sa mga beteranong personalidad.

Patuloy ng aming source, “Kaya mahal siya ng production, kaya siya pinupuri ng mga veteran stars, kaya sinasabi ng mga nakakatrabaho niya na nakaka-miss ang ugali niya.

“Sabi ng isang staff na matagal niyang nakasama sa work, kung lahat daw ng mga artista, e, kasing-humble at professional ng male personality, e, walang magiging problema.

“Kung male-late kasi siya, e, agad na siyang nagbibigay ng abiso sa production, panay rin ang sorry niya sa cast, hindi tulad ng ibang artista na cause of delay na nga, e, mayayabang pa at walang respeto sa mga inaabala nila!

“At very generous pala ang male personality, hindi sa pera, kundi sa food. Dumarating siyang may dala-dalang mga pagkain na ipinaluto niya sa bahay nila.

“Minsan, isang malaking kaldero ng arroz caldo ang dala-dala niya, minsan naman, e, kumpletong meal, ibang klase siyang magpahalaga sa mga kasamahan niya sa work.

“Kaya naman sa pagiging responsible niya, kahit ang mga ex niya, e, walang masabing kapintasan sa kanya. Like itong pinakahuli niyang nakarelasyon, di ba, siya pa mismo ang nagsabing good father ang male personality?” madiing pagtatapos ng aming source.

Gretchen mahalay ang upakan sa kadugo

Tawa lang siguro nang tawa si Gretchen Barretto ngayon. Naiisip niya siguro na hanggang ngayon, kahit nananahimik siya, ay meron pa rin siyang saysay para sa ating mga kababayan.

Sabi nga ng kaibigan naming propesor, “She’s still relevant, imagine, ‘yung post niya two years ago na in-edit at pinagdugtung-dugtung lang ng uploader, e, naging malaking issue pa rin?

“Nananahimik si Gretchen, pero biglang naging talk of the town pa rin siya? Hindi siya nagpapapansin, ha? Hindi siya nakikisawsaw, but she had the center stage because of her old posts!” natatawang komento ni prop.

At tama rin ang komento ng mga netizens na si Gretchen, kapag naglabas ng kanyang saloobin at opinyon ay rock na rock, siguradong pag-uusapan.

At love na love siya ng mga DDS, suportado ng grupo ang kanyang mga sinasabi at ginagawa nang hindi siya nagpapaka-trying hard, chillax lang ang aktres.

Sa isang punto lang naman siya binebengga ng ating mga kababayan, ang ginagawa niyang pang-aaway sa mismong mga kadugo niya, mahalay kasing tingnan na sila-sila ay nag-uupakan sa social media.

Sabi ng isang kaibigan naming palaging nakatutok sa pamilya Barretto, “Pero hindi naman kasi natin alam ang totoong kuwento ng buhay nila. Hindi natin sila kasama 24/7. May pinanggalingan siguro si Gretchen.”

Tanong naman ng isang kaibigan, ano raw kaya ang ginagawa sa maghapon ni Gretchen, ano raw kaya ang ikot ng buhay ng isang napaka-blessed na katulad niya?

Dinadalaw rin siguro si Gretchen ng kalungkutan, lalo na’t wala siyang pinagkakaabalahan, pero happiness is a choice.

Tayo ang mayhawak ng manibela ng ating buhay. Ang kaligayahan at kalungkutan ay nand’yan lang, depende na lang kung alin ang ating pipiliin, ganu’n lang naman ang kanaturalan ng buhay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.