Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality dusa sa ex na aktres

0 54

Kuwento ng aming source ay nakakaawa ang isang kilalang male personality dahil hindi niya na malaman kung ano ang kanyang gagawin para lang wala nang masabi pa ang kanyang ex na aktres.

Kumanan at kumaliwa raw kasi ang aktor ay may nasasabi pa rin ang kanyang dating karelasyon. Magbigay man siya ng sustento sa kanilang mga anak ay may kulang pa rin. May reklamo pa rin ang babae.

Kuwento ng aming impormante, “Mahirap talaga ang kalagayan ng male personality dahil walang kasiyahan ang ex niya. hindi na niya alam kung saan siya poposisyon.

“Kunsabagay, kahit naman nu’ng nagsasama pa sila, e, hindi rin naman sila nagkakaroon ng communication. Bihirang-bihira,” unang hirit ng aming source.

Palagi raw kasing natutulog ang female personality, kung hihintayin naman ng aktor kung kailan ito magigising ay hindi na niya magagawa ang mga kailangan niyang gawin, may negosyo kasi ang male personality.

Patuloy ng aming source, “Napakahirap para sa isang magkarelasyon ang kawalan ng communication. ‘Yun ang madalas na dahilan ng mga away-away, hindi kasi sila nagkakausap.

“Ganu’n ang nangyari sa dating mag-asawa bago sila tuluyang nagkahiwalay na humantong sa korte. Hindi sila nagkakausap, gustuhin man ng aktor na magkausap sila, e, palagi namang tulog ang gusto niyang kausapin!” kuwento pa ng aming source.

Naging maligalig ang pagsasama nila, hanggang nu’ng magkahiwalay sila, napakagulo rin ng kanilang sitwasyon. Hanggang ngayon, hindi pa rin sila nagkakasundo, kahit hindi na palaging tulog ang female personality.

Kuwento uli ng aming impormante, “Mahihirapang makakita ng karelasyong magtatagal ang girl, milagro na lang siguro kung makakatagpo siya ng lalaking makatitiis sa mga pinaggagagawa niya.

“Palagi kasi siyang tama, kahit kailan, e, hindi siya nagkakamali. Palagi siyang pa-victim kahit siya naman ang may pagkukulang. Kapag wala talagang pinagkakaabalahang trabaho ang tao, negang-nega ang takbo ng isip!” napakadiing pagtatapos ng aming source.

Dominic mas panalo kay Gerald

Maraming kababayan na natin sa Amerika ang lantarang nakakakita ngayon kina Bea Alonzo at Dominic Roque na magkasama. Kahit sa mga larawang ipino-post nila ay nagkaroon na ng mukha ang mga kamay at paa na dati nilang ipino-post.

Napakaligaya siguro ngayon ni Dominic dahil hindi na siya itinatago ni Bea, hindi tulad nu’n na magkasama nga sila, pero hindi siya nakikita sa retrato.

Maraming nagtatanong kung bakit natagalan bago inamin ni Bea na si Dominic nga ang kanyang karelasyon ngayon. May mga nagkokomento na hindi raw kasi sila magka-level sa estado ng pagiging artista nila.

Maaaring may mga sariling dahilan si Bea, pero napakahirap nu’n para sa binata, dahil parang anino lang siya para sa aktres. Idinedenay siya ni Bea, itinatago, samantalang matagal na silang magkarelasyon.

Pero may mga nagsasabi ring ginagamit lang daw kasi ni Dom si Bea. Gusto lang niyang sumikat kaya nagsusumiksik siya kay Bea. At nadagdagan pa ‘yun ng kuwentong may hindi raw kagandahang imahe si Dominic.

Kung totoong nagmamahalan ang dalawang tao ay walang level-level na kasali sa relasyon. Kahit sikat na artista ay puwedeng magmahal sa isang extra kapag tinamaan sila ng pana ni Kupido.

Walang ganu’n, walang pinag-uusapang gamitan, pagmamahalan lang ang barometro. Ano naman ngayon kung mas kilala si Gerald Anderson na dating karelasyon ni Bea kesa kay Dominic?

Wala dapat pagkukumpara. Mas popular nga si Gerald, pero niloko naman nito ang dalaga, mas panalo pa rin si Dominic Roque na ramdam nating walang gagawing anuman na ikakasakit ng damdamin ni Bea.

Leave A Reply

Your email address will not be published.