Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality dyutay ang kargada

0 1,006

Sa umpukan ng mga becki, taga-showbiz man o hindi, ay natural lang na umiinit ang chikahan kapag ang napag-uusapan na ay ang mga artistang lalaki na may puwedeng ipagmalaki pagdating sa kanilang kargada.

Walang maitatago ang mga artista, kumakalat na parang apoy ang mga kuwento tungkol sa kanilang armas, bumibida ang mga may ilalantad at pinagtatago na lang ang walang maipagmamalaki.

Kuwento ng aming source, “’Yung isang male personality na guwapo, nakakaarte rin naman, hindi maganda ang kuwento tungkol sa kanyang kargada.

“Ang dapat niyang sisihin, e, ang ex niyang female personality. Minsang nagkalasingan ang magkakatropa after ng taping nila, e, kung anu-anong rebelasyon ang itinuga ng girl!

“Break na sila nu’n, kaya napakalaya nang nagkuwento ng girl tungkol sa ex niyang male personality. Wala raw siyang nararamdaman kapag magkasiping sila, para hindi raw naman mapahiya ang partner niya, e, nagpapanggap na lang siya!

“Guwapo nga raw, sabi pa ng female personality, pero wala namang maipagmamalaki! Oo nga naman, guwapo ang lalaki, may kapunggukan nga lang!” natatawang kuwento ng aming impormante.

Bumibida rin sa kuwento ang isang male personality na may pagkatisoy, nakarelasyon naman nito ang isang magandang young actress na may kamalditahan ang dating, panalo sa kuwentuhan ang guy.

Balik-kuwento ng aming source, “Ah, si ____(pangalan ng young pang male personality), may maipagmamayabang ang isang ‘yun! Hindi ang ex niya ang nagkuwento, ang mga kasamahan niyang artista, ang mga nakakalaro niya sa basketball!

“After the game nga naman, e, nagsa-shower muna sila bago umuwi, sabay-sabay nilang ginagawa ‘yun, kaya nagkakakitaan sila ng sandata! Palagi siyang binibiro ng mga co-stars niiya, ‘Sampalin mo nga ako!’

“At patay pa kuno ‘yun nu’ng lagay na ‘yun, ha? Paano pa kapag umaariba ang libido niya, baka hindi lang sampal ang magawa niya! Kaya naman walang kahit anong pintas na maririnig mula sa ex niya, siguradong nalokah rin siya sa kargada ng male personality!

“Matapang ang tisoy na aktor, very open siya sa mga opinyon niya, kesehodang i-bash pa siya nang i-bash d’yan! At lumalaban siya, wala siyang takot, sa totoo lang!” tawa pa nang tawang pagtatapos ng aming impormante.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Sunshine ‘problema’ ng production

Maraming naguguluhan kung bakit hindi na pinapirma uli ng kontrata ng GMA-7 si Sunshine Dizon na sa kanilang network na lumaki, nagdalaga at nagkaroon ng pamilya.

Naging loyal sa network si Sunshine, marami rin siyang ginawang serye sa istasyon na nag-rate at tinutukan ng publiko, ano nga kaya ang dahilan at hindi na ni-renew ang kanyang kontrata?

Tatlo na sila ngayon nina Kris Bernal at Janine Gutierrez na hindi binigyan ng ekstensiyon ng network ang kontrata. Si Janine ay lumundag na sa ABS-CBN, ganu’n din ang kuwento tungkol kay Sunshine, magiging Kapamilya na raw siya ngayon.

Isang source naman ang nagsabi na kay Sunshine na nagmula ang hindi pananatili sa istasyon. Gusto raw naman niyang magkaroon ng karanasang makapagtrabaho sa ibang bakuran.

Kinontra ‘yun ng mas nakararami, sa panahon ngayon ng pandemya na malaking problema para sa mga artista ang paghahanap ng trabaho ay walang personalidad na magiging mapili pa sa kanyang pagseserbisyuhan, mas maraming naniniwala na hindi na talaga inalok pa ng renewal ng network si Sunshine.

May mga nag-iisip din na maaaring nagkaroon ng problema ang produksiyon sa matagal nang lumulutang na kuwentong mahirap katrabaho ang aktres.

Sabi ng isang miron, “Di ba, matagal nang may kuwentong nagiging problema ng production si Shine? Hindi raw kagandahan ang attitude niya. tumatatak ‘yun, kaya kapag nakasilip ng pagkakataon ang mga bossing, ganyan ang nangyayari. No more renewal.”

Magaling umarte si Sunshine Dizon, magkakaroon pa rin siya ng pagkakataong mapakinabangan ‘yun, ang tanong na lang ay kung saang bakuran siya magtatrabaho.

Leave A Reply

Your email address will not be published.