Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality enjoy na pinag-aawayan ng mga babae

0 714

Maraming impormante ang nagpapatunay na gustung-gusto pala talaga ng isang kilalang male personality na pinag-aawayan at pinag-aagawan siya ng mga kababaihan.

Kung babalikan ang kartada ng lalaking personalidad ay totoo nga, halos pare-pareho pala ang naging kuwento ng kanyang pakikipagrelasyon, may mga kampong nag-aaway-away nang dahil sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Talagang gustung-gusto niya ang ganyan! Para bang tuwang-tuwa siya na nagiging reason siya ng mga controversy! Ine-enjoy niya ang ganyan!

“Hindi lang ngayon nangyari ang pagiging controversial niya, kahit nu’n pa, ganyan na ang nangyayari sa buhay niya. Type na type niya talaga na pinag-aagawan siya ng mga babae!” unang nakairap na kuwento ng aming impormante.

Nagkaroon siya ng girlfriend na sikat na female personality, nang maghiwalay sila, isa na namang babaeng personalidad ang kinarelasyon niya, kaibigan ng ex niya, kaya naging matindi ang rambulan ng dalawang kampo.

Patuloy ng aming source, “Di ba naman, parang sinadya niyang tuhugin ang magkaibigan? Puwede namang iba na lang ang niligawan niya, pero ang bestfriend pa ng ex niya ang kinarelasyon niya!

“Habang nag-aaway ang magkabilang kampo, hayun naman siya, prenteng-prente lang na sumisipol, dahil ang feeling niya, e, pinag-aagawan siya ng mga kababaihan!

“Ang pakiramdam niya, e, isa siyang kayamanang pinag-aagawan ng dalawang babae! Pampataas niya ng tiwala sa sarili niya ang ganu’n, parang mas gumuguwapo siya kapag ganu’n ang sitwasyon!” komento uli ng aming source.

Heto na naman, ganu’n din ang script ng lovelife niya ngayon, feeling na naman ng male personality ay may mga nag-aagawan na namang babae sa kanya.

“Iisa lang ang script, di ba naman? This time, iniwan niya na lang bigla ang girlfriend niya, tapos, sila na ng isang young actress!

“Naku, buti na lang at binantayan nu’n ng mommy niya ang isang sikat na singer-actress, dahil kung hindi, nadagdagan pa ang lolokohin niya! Hindi siya nakalusot!” pagtatapos ng naiinis naming source.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Alonzo sinundan si Gerald sa Zambales

Si Isabel Rivas ang nagpasimuno sa pagbili ng ekta-ektaryang lupain sa Zambales. Manggahan ‘yun, may ipinatayong kongkretong bahay sa farm ang aktres, ang sumunod sa kanya ay si Lorna Tolentino.

Taong 2011 ay sumunod naman si Bea Alonzo, labing-isang ektaryang lupa ang binili niya, napakalawak ng sukat nu’n na tanging isang punong-kahoy lang ang dinatnan niya sa propyedad.

Pagkatapos nang sampung taon ay ipinakita na ni Bea sa kanyang vlog ang Beati Firma. Punumpuno na ng inaanihang mangga, marami rin siyang alagang kambing, tupa, baka at iba pang mga hayup sa farm.

Nagpatayo rin siya ng mga bahay sa farm para sa kanyang pamilya, guest house para sa mga kaibigan at mga kamag-anak. Malaki na ang ipinuhunan ng aktres sa kanyang farm.

May nabasa kaming komento na sinundan daw ni Bea ang kanyang ex na si Gerald Anderson kaya pinili niyang sa Zambales din bumili ng farm. Maling-mali dahil 2011 pa nabili ng aktres ang ari-arian.

Nasa San Agustin ang kanyang farm at ang kay Gerald naman ay nasa Botolan, napakalayo ng distansiya, saka maliit lang ang sukat ng rest house ni Gerald kumpara sa labing-isang ektaryang farm ni Bea.

Walang sumunod at walang sinundad. Baka nga kay Bea pa nakakuha ng ideya si Gerald na bumili rin ng property sa Zambales.

Simpleng mamuhay si Bea, maingat siya sa paghawak ng pera, palibhasa’y hindi naman siya ipinanganak na may makasaysayang gintong kutsara sa bibig.

Kapag pagod na siya sa pag-aartista ay meron na siyang siguradong mauuwian. Sariwa ang hangin, tahimik ang kapaligiran, walang stress.

Leave A Reply

Your email address will not be published.