Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality etsapuwera sa kampo ng politiko

0 386

Maraming nagtatanong-nagtataka kung bakit hindi na nakakasama ngayon ng isang kilalang pulitiko ang isang popular na lalaking personalidad.

Dati kasi ay hindi sila nagkakahiwalay, kung nasaan si politician, siguradong nandu’n din ang pamosong male personality.

Ano ang nangyari, tanungan ng mga nagpipista sa balita, bakit biglang naetsa-puwera na ang male personality sa kampo ng pulitiko?

Kuwento ng aming source, “Ilang buwan na siyang hindi visible kapag may lakad ang male politician, ha? Natural, maraming nagtataka kung bakit, anyare sa kanilang pagkakaibigan?

“Sino ang lumayo o baka naman sadyang pinagbawalan na ang male personality na sumama-sama sa mga lakad nu’ng politician? Puwede!” unang hirit ng impormanteng maraming kaibigang pulitiko.

Kung matatandaan, nu’ng panahon ng kampanya ay palaging ang pulitiko ang sinasamahan ng male personality, para ngang hindi man lang niya sinuportahan ang mga tunay niyang kaibigang artistang tumakbo rin.

“Korek! Parang siya ang campaign manager nu’ng politician nu’n, talagang inseparables sila, aligagang-aligaga ang male personality sa pag-iikot sa buong bansa para sa kampanya.

“Kaya nga napakaraming nagtatanong ngayon, bakit biglang hindi na siya isinasama ng politician, may nangyari bang hindi kagandahan sa pagitan nila?

“Malaking issue ‘yun para sa mga taong nasanay nang palagi silang magkasama. Parang doberman kasing palaging nakabuntot sa amo niya nu’n ang male personality, tapos, biglang hindi na sila nakikitang magkasama?

“E, wala namang ginagawang project ang male personality, di ba? Basa ang alam sa balwarte ng politician, e, gumanda ang buhay nu’ng lalaking personalidad nu’ng palagi silang magkasama!

“Naku, baka datung ang dahilan, hindi kaya? May hindi pa naman kagandahang kartada ang male personality na ‘yun pagdating sa kadatungan!

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ano nga kaya ang rason? Manghula na lang tayo, go, go, go!” pagtatapos ng aming source na nakataas ang kilay.

-o0o-

Piolo susunod kay John Lloyd sa Kapuso

Hindi talaga maiiwasan ngayon ang paglundag ng mga taga-ABS-CBN sa GMA-7. Ibang-iba ang sitwasyon ngayon, pandemya, sa kabila ng paghihirap ng buong mundo ay gagawa at gagawa talaga ng paraan ang marami para hindi magutom.

Kapag walang trabaho ay wala nang makakasunod ‘yun kundi gutom. At para maiwasan ang kagutuman, natural lang na hahanap ng lugar ang kahit sino para makapanginain, kung nasaan ang greener pasture.

Nag-text sa amin si Tita Dolor Guevarra, kumpirmado, lumipat na sa GMA Artist Center ang dating tagapamuno ang Star Magic na si Ms. Mariole Alberto. At alam naman ng buong showbiz na kung nasaan ang babaeng ehekutibo ay siguradong nadnu’n din ang magaling na direktor na si Mr. Johnny Manahan.

Marami ring artistang nakalundag na at lulundag pa lang sa bakuran ng Siyete, nauna na sa listahan si John Lloyd Cruz, at maingay ang kuwentong kasunod na si Piolo Pascual.

Siyempre, ang mga sundalo ng Dos ay galit na galit, binabato nila ng bintang na walang loyalty ang mga artistang lumilipat sa GMA-7 na sa bakuran ng Dos nagkapangalan.

Wala raw utang na loob ang mga personalidad na hindi na lang nakapaghintay hanggang sa maibalik na uli ang prangkisa ng ABS-CBN.

Sa biglaang paghusga ay may punto ang paghusga, pero kung mas palalawakin nila ang takbo ng kanilang isip ay ‘yun talaga ang mangyayari, hindi gugustuhin ng kahit sino ang mamatay nang dilat ang mga mata sa sobrang gutom.

Hindi naman literal na gutom ang mga lumilipat sa GMA-7 pero kailangan nilang paghandaan ang kanilang kinabukasan, kung meron naman silang magagawang paraan at nagbigay-respeto naman sila sa kanilang pinagmulan, nasaan ang krimen?

Leave A Reply

Your email address will not be published.