Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality ginatasan ng bebot

0 89

Sobrang selosa pala ng misis ng isang sikat na male personality. Mahilig siyang makinig sa mga bulong at sulsol. Hindi na siya nag-iimbestiga muna bago atakihin ang kanyang mister.

Basta may narinig siya ay meron na agad siyang konklusyon, may ibang babaeng pinagkakaabalahan ang kanyang mister, period.

Kuwento ng aming source, “Naku, sobrang selosa ang babaeng ‘yun! Napakalakas ng insecurity niya! Marami kasing kulang sa buhay niya, madali siyang maapektuhan ng insecurity.

“May itinatago rin naman siyang ganda, kaya nga lang, e, pinakialaman na ‘yun ng siyensiya, marami nang binago sa face value niya!” unang sultada ng aming impormanteng tawa nang tawa.

Malikot din naman kasi sa aparato ang kanyang mister, meron din naman itong gustong patunayan, kayang-kaya nga naman nitong maghanap ng ibang pagkakaabalahan.

Patuloy ng aming soruce, “Buti nga, nagbago na ang male personality, iniwasan na niya ang mga bisyo niya nu’n! Pero talagang nagpakasarap din siya sa buhay nu’n!

“Kapag nalalaman ni misis ang mga extra-curricular activities ng mister niya, siyempre, itsura sa kanya ng kapapangananak na tigre! Mabalasik na ang itsura niya kahit hindi galit, di ba?

“E, paano pa kapag kinokompronta na niya ang mister niya, gaano katindi ang itsura niya? Rambol, di ba naman? Talak-to-the-highest degree ang ginagawa ng girl!

“Sa lahat pala ng na-link sa husband niya, e, pinakamatindi ang galit ni wifey sa isang female personality na talaga namang umani ng tagumpay nu’ng maging karelasyon ng male personality.

“Matindi naman kasi ang girl na ‘yun, iniasa na niya ang buong pamilya niya sa male personality. Napakalaki ng naging butas ng bulsa ng male personality sa girlash na ‘yun!

“Magaling siya, lahat ng kailangan ng family niya, ipinasagot niya sa male personality. Bigay naman nang bigay si lalaki, kasi nga, mahal niya ang girl!

Related Posts

“Hanggang ngayon, super-selosa pa rin ang misis ng male personality, bantay-sarado pa rin niya ang husband niya, mabuti na lang at nagbago na ‘yung lalaki, bumait na siya!” madiing pagtatapos ng aming impormante.

Jinkee malabong First Lady

Bumalik na sa bansa ang Pambansang Kamao nu’ng isang gabi. Oo nga’t tinalo siya ni Ugas ay walang nagbago sa pagtanggap sa kanya ng ating mga kababayan.

Mainit pa rin, isinisigaw ang kanyang pangalan, totoo naman na wala nang kailangan pang patunayan si Pacman sa itinatak niyang pangalan sa mundo ng boksing.

Walong titulo ang kanyang hawak, mahirap nang pantayan ang karangalang yakap-yakap niya, tinalo man siya ni Ugas sa huli niyang laban ay hindi na mabubura pa ang katotohanang kampeon ng mga kampeon pa rin si Senador Manny Pacquiao.

Pagkatapos ng pakikipagbasagan niya ng mukha sa lona ay mas matinding giyera ang haharapin ngayon ng senador-boksingero sa mundo ng pulitika. Matitindi ang birang inaabot niya, nakalog na raw ang kanyang utak sa pakikipaglaban, kaya kung anu-ano ang naiisipan niyang gawin bilang pulitiko.

Ilang taon na ang nakararaan ay ibinuking ng boxing promoter na si Bob Arum ang planong tumakbo sa panguluhan ni Pacman. Ang sabi raw sa kanya ng Pambansang Kamao, “I’m running for president, I hope you will be here during my inauguration.”

Idinenay naman ‘yun ng boksingero, iba lang daw ang naging pagtanggap ng promoter sa kanyang sinabi, pero mukhang totoo nga ‘yun dahil kalat na kalat na ang kuwentong makikipagboksing sa panguluhan ang senador.

May karapatan naman siyang lumaban, ayon sa ating konstitusyon, basta marunong bumasa at sumulat ang kandidato ay walang kuwestiyon ang kanyang pagtakbo.

Pero ngayon pa lang ay umeeksena na ang maraming miron, kapag nanalo raw si Pacman ay paano na, si Jinkee Pacquiao ang magiging First Lady ng bayan ni Juan?

Sabi ng isang nakausap namin, “Hindi matutupad ang pangarap niyang maging First Lady, never! Ngayon pa nga lang, e, ganyan na siya ka-insensitive, paano pa kapag naging Unang Ginang siya?”

Leave A Reply

Your email address will not be published.