Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality ginawang negosyo ang kandidatura

0 65

Dahil sa hirap ng trabaho ngayon ng mga artista ay nagplano pala ang isang kilalang male personality na makilahok na rin sa politika. Naging matumal kasi ang kanyang proyekto muna nang magpademya.

Nagkakaroon naman siya ng trabaho paminsan-minsan, pero kinaltasan pa ang kanyang talent fee, hanggang saan at kailan daw aabot ‘yun para buhayin ang kanyang pamilya?

Kuwento ng aming source, “Tinawagan ng male personality ang mga kaibigan niya. nagtanong siya kung tama ba ang niisip niya? Papasok na lang daw siya sa politics dahil parang tatagal pa nang ilang taon ang pandemya.

“Malakas ang loob niyang pumalaot sa politika dahil kilala siya, hindi na siya mahihirapang mangampanya sa kanilang lugar dahil malakas ang dating niya du’n,” paunang kuwento ng aming impormante.

Ang nakakagulat ay ang takbo ng kanyang utak kung sakaling makihalo na nga siya sa mga artitang kakandidato ngayong parating na halalan. Meron pala siyang kakaibang plano.

Patuloy ng aming source, “Kapos siya sa pera, problema nga niya ngayong pandemya dahil wala siyang gaanong trabaho. Nawala pa ang seryeng kasali siya, kaya paano na?

“Nagulat ang mga kaibigang kinausap ng male personality. Wala nga raw siyang puhunan para sa plano niya, pero mananalo raw siya! Sa paanong paraan naman?

“Ang sabi ng male personality sa mga kausap niya, ‘Siyempre, dahil kilala nga ako sa lugar namin, e, medyo mag-aalala ang mga kalaban ko! Baka nga naman ako pa ang manalo, samantalang matagal na sila sa politics! Mag-alok sila sa akin na huwag na lang akong tumakbo, babayaran nila ang pag-urong ko sa laban! Magkakapera ako!’

“Nagulantang ang mga kausap niya, peperahin at nenegosyohin lang pala niya ang politics! Wala sa puso niya ang paglilingkod, pera-pera lang talaga ang laban niya!

“Kunsabagay, kahit nu’n pa naman, e, ninenegosyo na ng male personality kahit ang katawan niya, di ba? Nagiging boy toy siya ng mga becki at matrona!

“Mautak ang mokong na ito, palibhasa, napag-iwanan na siya ng mga ka-contemporary niya! Ang mga kasabayan niya sa isang nakilalang grupo nu’n, e, nand’yan pa rin, may trabaho pa, pero siya, e, waley na talaga!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Ermat ni Claudine ayaw sa dating basurero

Sa matayog na paglipad ng saranggola ng mga pangarap ni Mayor Isko Moreno ay meron kaming naalalang senaryong nakapanakit sa kanyang kalooban nu’ng kasagsagan ng kanyang karera bilang artista.

Pinagtambal sila nu’n ni Claudine Barretto. Iba ang datingan nu’n ng mga Barretto, sosyal ang kanilang imahe, yayamanin ang tingin sa kanila ng publiko.

Madalas pang magsalita nu’n si Mommy Inday Barretto, palagi itong hinihingan ng pahayag ng mga manunulat, minantikaan ang dila ng ina ni Claudine.

Minsan ay sinabi ni Mommy Inday, hanggang pelikula lang daw ang relasyon nina Isko at Claudine, malayo sa totoong buhay. Ang pangarap daw nitong makarelasyon ng kanyang anak ay isang lalaking nakapag-aral at mula sa isang magandang pamilya.

Alam naman ng buong mundo na dating basurero si Mayor Isko, sinuwerte lang na nakapag-artista at nagtagumpay na makilala, maraming nainis sa pahayag ni Mommy Inday.

Pagkatapos nang ilang dekada ay heto na ngayon ang dating basurero. Naglingkod muna bilang konsehal, naging vice-mayor, at ngayon ay siya na ang ama ng Maynila.

At suntok sa buwan ang kanyang pangarap ngayon na makopo ang upuan sa Palasyo bilang pangulo ng ating bayan. Napakalayo na nga ng narating ng punong-bayan ng Maynila na nadiskubre sa isang lamayan sa Tondo.

Naaalala pa kaya ni Mommy Inday ang pagtanggi nito nu’n na makarelasyon ni Claudine ang dating namamatsoy ng basura na si Mayor Francisco Domagoso?

Leave A Reply

Your email address will not be published.