Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Male personality grabe ang tigas ng ulo

0 983

Sa magkakasunod na pangyayaring nagsasangkot sa isang pamosong male personality ay muling nabuhay ang mga pinaggagagawa niya nu’ng kasagsagan ng kanyang popularidad.

Napakarami pala nu’n na sa sobrang karamihan ay hindi na maalala ng kanyang mga nakatrabaho ang lahat-lahat, pagpapatunay ‘yun kung gaano katigas ang kanyang ulo, basta may naisipan siyang gawin.

Unang kuwento ng aming source, “Matagal nang kasingtigas ng bakal ang ulo ng taong ‘yun! Kung ano ang maisipan niyang gawin, e, wala na siyang pakialam kung ano ang magiging resulta nu’n!

“Kasi naman, walang makakontra sa kanya, puro sa kanya umaasa ang mga taong nakapalibot sa kanya, kaya ano nga naman ang magagawa nila sa gustong gawin ng boss nila?

Maraming kuwentong kinasasangkutan ang male personality na nagpapahaba-nagpapatagal sa kanilang trabaho. Ikinayayamot ‘yun ng kanyang mga kasamahan pero ‘yung kinaiinisan nila ang bida kaya wala ring magawa ang mga ito.

Patuloy ng aming source, “Meron siyang pitik na ganu’n. ‘Yung binabago niya ang eksena kapag gusto niya. Kayan-kayanan niya naman kasi ang director, kaya nakalulusot siya!

“Kunwari, sinabi ng direktor na ganito at ganu’n ang gusto niyang mangyari, tango lang naman nang tango ang male personality. Pero kapag take na, binabago niya ang mga instructions!

“Kung sa kaliwa dapat ang exit frame niya, e, gagawin niya sa kanan! Palpak ang eksena, di ba? Uulitin na naman, du’n sila nagtatagal! Kung anu-ano ang ginagawa niyang kalokohan!

“Dati nang matigas ang ulo niya, mapag-experiment siya na sablay naman! Kung ano ang maisip niya, ‘yun ang gagawin niya, kahit pa maling-mali!” inis na kuwento ng aming impormante.

Hanggang ngayon ay taglay pa rin ng male personality ang katigasan ng ulo. Kung A ang marami, nasa B siya, makakontra lang.

SM food to go Banner Ad

“Ganyan ang taong buryong, ang taong walang magawa sa buhay. Kung anu-ano na lang ang pinaggagagawa! Naku, huwag na huwag n’yo siyang tutularan, mga ‘Tol!” pagtatapos ng aming source.

BB nagluluksa

Kung maraming pamilyang nagluluksa ngayon dahil sa mabangis na pamumuksa ng COVID-19, kung ang buong mundo ay nililigalig ng salot, ay matindi rin ang pagluluksa ngayon ni BB Gandanghari.

Pumanaw ang kanyang matalik na kaibigang si Imman, ang alaga niyang aso, na palagi niyang kinakausap sa kanyang vlog.

May mga napanood kaming vlog ng dating si Rustom Padilla na kinukuwentuhan niya si Imman, tinatanong pa nga niya ito sa mga gagawin niyang desisyon sa buhay, nakatingin lang naman sa kanya ang aso.

Si Imman lang ang kasama ni BB Gandanghari sa kanyang tirahan, ito lang ang palagi niyang kasama maging sa pagdya-jogging, parang tao kung ituring ni BB ang kanyang alagang aso.

Ramdam namin ang sobrang kalungkutan ni BB Gandanghari ngayon, kaisa-isang kakuwentuhan niya sa bahay ay nawala pa, iniwan pa siya.

Wala siyang kapamilya sa Amerika, gusto man niyang magkaroon ng komunikasyon sa kanyang mga mahal sa buhay dito sa Pilipinas ay hindi niya naman magawa, dahil hindi pa tanggap ng mga ito ang bago niyang pagkatao.

Kanino nga naman siya maglalabas ng kanyang mga saloobin? Sino ang kakausapin niya na walang pinipiling panahon? Kaisa-isang asong nakaiintindi ng kung ano siya ngayon ay pumanaw pa.

Marami na kaming napapanood na pelikula sa Netflix na ang bumibida ay mga aso. Magaganda ang istorya, ipinakikita sa kuwento kung gaano katapat ang aso sa mga kamay na nagpapala sa kanila.

Kaya nga may kasabihang “Loyalty is only for the dogs,” matindi kasi ang katapatan ng aso sa kanyang amo, hindi ito nang-iiwan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.